July 6th, 2006
salamat--pwede ba?
..una sa lahat, nais kong iabot ang aking walang hanggang pasasalamat sa mga taong sinamahan ako sa inuman session kagabi!. Na22wa naman ako, at naging maayos ang lahat hahaha..
alam nyo mga tol, ang gabing yun ay ang aking pagmumuni-muni sa mga bagay na dapat kong gawin. Mga balak sa buhay na dapat ng itama, sa pagkakamali. Pagkalugmok sa putek, na dapat ng tumayo at maligo. 
maraming salamat muli.. sa muling tagayan! 
P.S. kung mapapansin ninyo, ang unang parte ng aking blog ay lageng tungkol saken.. ang sumusunod ay ang...............
bahala na kayo kung anong gus2 nyong icpin!
-------
Alas-dos ng umaga, nagising dahil sa mga kalabog sa kisame ng mga nagaaway na pusa namen. Madilim ang aking silid, walang ilaw.. wala ring buwan, dahil natakpan ng makakapal na ulap dahil sa ulan. Ako ay umupo, sa aking pagkakahiga.. huminga ng malalim. Kinapa ang cellphone, na nasa taas ng aking unan. Umilaw i2, at nagbigay ng konteng liwanag sa madilim kong kwarto. Alas-dos na nga ng umaga, hindi pa ako nag-aaral. Wala ring balak ang aking diwa na buklatin ang mga pahina sa librong sing kapal ng encyclopedia. Kung sabagay.. puro lamang pagsasaulo iyon ng mga gamot sa aking 'pharmacology' leksyon para sa mga hamak na ka2lad kong kumukuha ng kursong nursing.
Umupo lang ako, matagal akong nakaupo.. wala ng ilaw ang cellphone. madilim na muli. Masyadong tahimik ang paligid. Tumayo ako ng dahan-dahan dahil baka ako ay mahulog sa kama. Kinapa ang aking radyo, binuksan ng mahina sa istasyon ng 'love radio 90.7' ang radyo ng bayan. na kahit ata sa dulo ng quiapo ay pinakikinggan. Lalo na ang tambalang balahura at balasubas. Na minsan ay saksakan sa ka-cornihan, minsan naman ay nakakatawa.
sa pakikinig.. pinatugtog ang.. 'pwede ba' ng soapdish. Isa sa mga paborito kong banda. Nagsimula ng gani2.
Pwede bang sabihin mo
Na itatago mo ang mga sulat ko
Kasi medyo maiinis ako
Kung itatapon mo..
'wag kang mag-alala..
Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
Di na pipilitin pa..
Itong damdamin ko sa'yo
Medyo maninibago
Pero ayos lang sakin 'to
At pwede bang sabihin mong..
"maghihintay ako sa'yo.."
Kasi medyo naiinip na 'ko
Sa ikot ng mundo
Pwede bang isipin mo
Nahihirapan din naman ako
Sa paghintay lang ng kung anu-ano
Magmumula sa'yo
At 'wag kang magtataka
Kung ako'y biglang makita
Na nag-iisa..nakahiga lang sa kama
Iniisip ko ito,
"ba't nga ba biglang nagbago?.."
Makayanan ko sana 'to..
At pwede bang sabihin mong..
"maghihintay ako sa'yo.."
Kasi medyo naiinip na 'ko
Sa ikot ng mundo
'wag kang mag-alala..
Di ako luluha
Kung may kapiling kang iba
Di na pipilitin pa..
Itong damdamin ko sa'yo
Medyo maninibago
Makayanan ko sana 'to..
Pwede bang sabihin mong..
"maghihintay ako sa'yo.."
Kasi medyo naiinip na 'ko
Sa ikot ng mundo.. (2x)
At pwede ba..pwede ba..pwede ba?..
At pwede ba..pwede ba..pwede ba?..
..tapos na ang kanta.. di ko napigilang pumatak ang luha. Tumulo i2 na para bang 10taon sa buong buhay ko hindi ako nakaiyak. Akala ko ay napuwing lamang ako, umiiyak na pala ako talaga.
Humiga ako.. humagulgol ngunit takip ang bibig ng unan. yakap i2. Wala akong magawa.. wala.. singhot--sige! singhot.. wala ayaw parin tuminag ng luha ko.. punasan ko man ng aking mismong t-shirt.. wala.. wala... iyak pa rin ng iyak..
maya-maya.. di ko na alam ang nanyari.. nak2log na ako.. di ako nakapag-aral.babagsak na naman ako sa exam bukas. wala na naman ako maisasagot. buti na lang, ako ang may taglay ng pinakamagandang mata.. na kahit 10 galon ng luha ay di namamaga.. walang makakapansin.. wala.. hindi nya rin malalaman.. dahil walang nakakaalam.. ako lang.. ako lang.. at oo nga pala.. ikaw rin..ssshhh.. 