September 2nd, 2006
Unang Post sa Semptyembre!
Ui, Septyembre na.. isa lang ang ibig sabihin nyan! malapit na ang PASKO! Nagiisip na ang mga ninong at ninang na maghanap ng pagtataguan hahaha.. uupo na lang daw sila sa taas ng bubong at magkukunwaring nasa VACATION sila.. suz! Style nyo! Bulok! Hehe.. kung sabagay 1 lang ninong ko at 1 ninang din, at alam nyo ba? Wala akong natanggap na anu mang regalo mula sa kanila maliban sa isang maliit na manika na binigay nila sa akin nung aking binyag..hahaha.. Di mo rin sila masisi, kasi nga naman taghirap ang buhay ngayon. Mahirap maglabas ng kahit 10 sentimo sa bulsa at ibibigay lang sa iba. Mahirap kitain ang pera! Kaya kayo, intindihin nyo sila ninang at ninong!.. wala silang kasalanan.. haha…
Tapos na rin sa wakas ang aming midterm exam sa lahat ng aming subject. Nagdugo ang aking ilong sa pharmacology, WALA AKONG NAISAGOT!.. kawawang bata, tulo laway habang tinititigan ang testpaper at nanalangin na lang nag “PANGINOON, ANONG SAGOT? IBULONG NYO PARANGAWA NYO NA!” . Ngunit ni isang bubuyog ay walang nagparamdam, kaya ang kapangyarihan ng “mini..mini..mayni..mo..” ang pinagana.. 50questions 3 lang ang siguradong sagot! San ka pa.. haha.. biruin mo nilaro ko ang MAJOR EXAM! Haha.. di nakakatawa.. pero tawa lang!. Putek.. yun na lang ang masasabi ko..
Alas-dos naku na2log kagabi, gumawa ako ng DRUG STUDY at NCP mga karaniwang ginagawa ng isang estudyanteng nurse na tulad ko. Ayun, biglang may tumubong bulkan sa muka ko. Tinitiris ko nga at nilagyan ng yelo, hayun! Namula.. kaya kayo, pag may tagyawat sa ilong wag tirisin! magiging kayo si RUDOLPH THE REDNOSE REINDEER.
Nagpaburn ako ng CD kanina, tuwangtuwa ako at may kopya na ako ng kanta ni JUANA AT ROCKSTEDDY. Tinutugtog ko nga kanina sa gitara ko, ayun kinalyo na naman ako. Matagal na kasi ako di nakakatugtog kaya medyo madaling pagurin na daliri ko sa pag strum o kaya pagpindot.. kulang na kasi sa praktiz.
Tumawag ako sa aking bezfriendship na long lost friend kong guy sa FEU, hai.. gwapo pa rin ang boses! Haha.. pinagpapantasyahan ko nga yung boses nya haha.. joke lang! at alam mo bang crush nya din ang boses ko, *kilig* haha.. nagtatawanan lang kami sa mga jOkes naming dalawa at katangahan sa buhay!..
Nanonood ako ngayon ng imbestigador, at ang feature nila ngayon ay ang mga namamalimos. Naalala ko 2loy yung 2 babae dun sa farmers, na walang ginawa ang diyos na araw na hindi sila namamalimos dun sa mga nakapila sa terminal.. di naman sa kadamutan, pero malakas pa kasi ang kanilang pangangatawan, marami nga dyan na iba na nagsisikap para makakuha ng pera na pangtustos sa araw2. Kung sabagay mas madali atang kumita sa paghihingi, kesa yung napagod na ng lahat kulang parin pantawid gutom. Nadaig pa sila ng masisipag na nanlilimos na nakakapag videoke pa at yosi! Aztigg..! kung sabagay mas mabute na yun, kesa magnakaw dba?. .
Matagal na rin akong di nakakapag update ng blog, kaya medyo mahaba ngayon ang aking sinabi.. sige’ ingatz sila sa inyo! 
just keep in touch.. medyo bbchan lang ang lola nyo..