Entries for October, 2006

October 10th, 2006

Balik tanaw Ver.1

          Balik tanaw Ver.1
          Oktubre na pala, ilang buwan na lang ba bago mag Christmas? Ewan basta alam ko di pa dumadaan ang Halloween. Naaalala ko pa nung binati kita ng “happy Halloween!” ang sinagot mo “na miss tuloy kita!” sembreak kasi naten nun, hindi bat medyo insulto ang sinagot mo sakin?. Ilang buwan na ba ang lumipas simula nung huli tayo nagkita? Ahh.. 8 buwan na pala, simula nung huling kuhanan ng grades naten sa FEU. Malungkot yung huli nating pagsasama, yun yung nalaman naten ang result ng battery exam. Naalala mo pa ba? Magkatabi tayong dalawa inutusan mo ako na tignan ang listahan ng mga kabilang sa pumasa sa battery na ang grades naman nila ay 3.00. Dyosko! Di na nahiya sa mga grades namin walang panama sa 1.75 naming dalawa, pero hayun nagsisitalunan dahil pumasa sila sa battery exam. Ayos! Lang nung una, tumawa pa ako.. tumawa ka din. Maya maya pa ay pareho na tayong tahimik.


          Kasama ko ang aking tropa sa taas ng building, di ko na napigilan ang umiyak. Sabi nila “You don’t deserve to be not included! Baka nagkamali ng computation, isa ka kaya sa highest sa GWA?”. Wala na akong nasabi. Bumaba ako ng hagdan, nakita kitang nakaupo, kasama ng mga tropa mo. Di ka nakangiti. Ngumiti ako. Para bang walang nanyari sa itaas. Ayokong umiyak, di ko kaya. Umupo ako malapit sa tropa nyo, nakipagkulitan, sabi ko. “Wala eh, ganun talaga..” sabay tawa ng malakas. Tumawa ka din, pero alam kong may bahid yun ng lungkot. Sumigaw ang barkada ko “Fur, tara kain na tayo!”. Sabi ko “sandali lang.” Di ko maigalaw ang aking paa, di ito namamanhid. Ayoko lang tumayo sa kinauupuan ko. Dahil sa oras na tumayo ako, at tumalikod sayo alam kong yun na ang huli. Ayokong umalis, gusto ko umupo lang kasama mo. Gusto kong tapusin ang buong araw na kasama ka sa piling ko. Natatakot ako yun ang totoo.


          Tumayo ako, ngumiti ako sayo. Nagpaalam. Sumunod na ako sa mga tropa ko. Ngunit binabalik ako ng aking mga paa patungong muli sayo. Bumulong ang isa kong matalik na kaibigan na kaibigan mo rin “bumalik ka dun, hinihintay ka nun kanina bumaba, umupo ka muna dun at makipagusap” Bumalik ako sayo, nagpanggap na “di pa ako gutom. Ayaw nyong sumama?” ngumiti ka lang, at sumagot “hinihintay namin 1 tropa ko” . Akala ko bay ako ang hinahantay? Naloko ata ako nung kaibigan ko. Nagbabadya na akong umalis, sabi ko “sige, alis na ako” sabi mo “dito ka muna.”. Sabi ko “inaantay na nila ako.” Sabi mo “bahala ka..” ngumiti ako, nakipagkwentuhan saglit. Umalis rin ako.. totoo na yun, umalis na ako.


          Mahigit isang taon na pala tayo magkakilala. Maiksi lang kung tutuusin para ikumpara sa tagal ng pinagsamahan nyo ng gf mo. Wala ako sa kalingkingan ng mula “musmos”. Ayokong maikukumpara sa kanya, dahil alam mong malaki ang pinagkaiba ko sa kanya. Sa sandaling pinagsamahan naten, naging malaking bahagi ka na ng buhay ko. Di na nga kita kaya pang kalimutan..


          Tik tak..tik tak.. Paulit ulit na lang, bukas umaga na naman. 8 buwan na rin pala ako nandito nagaaral sa nilipatan kong school. Wala ka na. Di na nga talaga kita nakita simula nun. Bumili ako ng pabango ng katulad sayo, natatawa ako. Dahil gustong gusto ko amuyin ang sarili ko. Hai.. na mimiss lang siguro talaga kita. [to be continued…]

Currently listening to: isang araw sa iyong tagiliran
Currently feeling: stressed
Posted by walongbote at 06:25 AM | 18 yumakap sa alak

October 17th, 2006

Balik Tanaw Ver. 2

Balik Tanaw Ver. 2
          “Anong pangalan mo?” yan ang katanungan na nagsilbing daan upang magkakilala tayo. Hindi kita pansin, wala akong alam ukol sayo. Ang tanging alam ko ay kaklase kita at sitmate tayo. Isang linggo kitang nakasama sa ating mga rehearsal sa ating  dulaan. Ako ang scrift writer ng istorya. Ayaw tanggapin ng ating kaklase ang alok na maging kapartner ka sa palabas na ito. Upang di na humaba ang usapan, napilitan akong kunin ang kanyang role. Tayo na ang partner. Wala akong hiya, sapagkat wala lang sa akin iyon, at higit sa lahat isa lang naman iyong palabas.


          Naging tulay ito upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa txt. “Kita kitz sa freedom park 8am ng umaga.” Ganyan ang mga txt na ipinapadala ko sa grupo upang tayo ay magpraktis. Sa pagbukas ng kurtina ng entablado, makikita ako at ikaw. May relasyon tayo sa dulang ito. Ako ang sekretarya at ikaw ang boss. Nakikipag romansa sa oras ng trabaho. “honey do you want some coffea?” sabi ko, “Oh! Thanks, nothing will make sweeter than you.” Sagot mo. Parang totoo. Nakakatawa.


          Natapos na ang dulaan, ngunit di natapos dun ang ating komunikasyon sa txt. Naging txtmate tayo. Mahilig ka magpadala ng mga sweet kowtz. Wala lamang sa akin iyon. Isang beses sa aking paggising nung hapon pagkagaling sa eskwelahan. Nakita ko ang “1 message received” at “1 missed call”. Tinignan ko kung sino ito at nakita kong ikaw. “Musta? Kain ka na?” nanibago ako at nagkaroon ng kaunting kilig. Nagsimula na tayong magusap nung gabing iyon sa txt, di pa na kuntento at minsan ay nagkakatawagan pa tayo sa telepono. Regular txtmate na tayo sa gabi. Para tayong di nagkikita sa eskwelahan. Ngunit hindi naman tayo ganung ka close sa personal. Wala lang. Minsan kakulitan sa upuan. Minsan Ka gaguhan at kadalasan kakopyahan.


          “Abnormal!” yan ang tawagan nating dalawa. Madalas tayong magkapikunan. Ngunit tatawa din at magpapansinan kinabukasan sa iskwela. Lumipas pa ang mga araw ay naging mas malapit ang loob ko sayo. Nakaramdam ako ng kakaibang tibok. Di na ito pangkaraniwan katulad ng mga nagdaan na araw. Ayokong duktungan ang anumang bagay na nararamdaman ko. Ayoko rin tanungin ang sarili ko. Nagsimula ng magkaroon ng tuksuhan, mula sa magkabilang tropa. Tropa ko at tropa mo. “Ui..” iyan ang madalas na maririnig sa kanila.


          Muli kong pinagmasdan at sinuri ang iyong mga galaw. Di ka katangkaran, muka namang tao, mukang babaero, mahaba ang mga pilikmata, balingkinitan ang katawan, di ka naman kaitiman at hindi ka din maputi,  magaling ka pumorma at maayos sa pangangatawan, mabango, mabilis makapagsaulo ng mga aralin, inborn ang pagiging komedyante at pagiging kalog,mahilig mang-asar,mahiyain sa una makapal pala muka pag tumagal,  ginagawang tubig ang alak,richie kid, masayahin at higit sa lahat gentleman kahit na medyo bastos.


           Ngunit di ko pa rin alam kung anong meron ka at sadyang nagiba ang aking mga kilos at galaw. Sa pagiging isang kalog at madaldal. Nagmuka akong pipe at parang robot. Scrifted ang mga galaw. Halatang may itinatagong lihim.


          Ngunit parang pareho ang ihip ng hangin. Bakit parang pakiramdam ko ay ispesyal din ako para sayo. Kahit na madalas tayong nagtutuksuhan. “tanga, kain ka na? pataba ka. Pahinga ka na. ingat ka pauwe.” iyan ang mga sinabi mo sa akin noon. Para bang may mga nakakubling lihim sa mga mensahe mo. Ayoko tanungin dahil di rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Ayoko rin malaman kung ano ako sayo, dahil natatakot ako na ako lamang ang nakakaramdam nito. Ano na nga ba ang nangyayari? Nagkakatotoo na ba ang dulang minsan na naten ginanapan? Hindi pala tuluyan naming isinara ang kurtina ng entablado. Bukas pa rin ito. At hindi ko alam kung ano ang susunod na mga mangyayari. [to be continued]

           Maraming salamat sa mga taong inantabangan ang kasunod nitong Balik Tanaw. Sa mga kumento ninyong sadya namang aking kinagalakan. Natutuwa ako dahil humahalo ang kulay ng buhay sa inyo, ngiti at tuwa na dala ng aking blog. Maraming salamat! Tagay lang sa beerhawz ni walongbote.

Currently listening to: i miss you
Currently feeling: thankful
Posted by walongbote at 01:26 AM | 13 yumakap sa alak

October 21st, 2006

Love notes on Action- ni walongbote

RX 93.1 LOVENOTES NI WALONGBOTE.
           On Air: Love’s confusing isn’t it? We can never tell when to give up and when to keep trying; when to let go and when to hold on. The Question is: Is it the love which is confusing or the person your loving. This how will I start the new special edition of love notes with me DJ Walongbote. We had this another friend who send us a letter and this is how it goes.

Dear Walongbote.

          I
ts been almost a year when me and my special friend didn’t see each other. The 1st month we separated was very hard for me. I missed the few days that we had together. I always dream of him that someday we will see each other again despite of the busiest day that we had for schools. We only had our txt communication that bridges us through the long distance that we had. I also learned to carry out those distance with ease. Yes, Walongbote he was a special friend for me, somehow that’s how I called our relationship. It’s hard to keep by yourself the special feelings that you had for this guy because I’m afraid that if I tell him how I feel everything will change, which I’m scared to know how it will turns out everything. I’m afraid for the consequences of my action, but if I’ll keep it forever I know the feelings will hunt me.
          Walongbote, there was this time when we both talking about how we can tell to someone what we feel when that person is making everything in a funny way. We always do that, we never speak out our hearts but our actions speak louder than words. I don’t know if he also feels the same for me, but the things that he showed to me really confused me. I can’t say that we have this ‘mutual understanding’ because from the 1st place he has a girlfriend, as of now they are cool off. The things that makes me worry, is that maybe he was acting like that because they are cool-off. He was looking for someone that will filled his needs which he finds on me *maybe*. He is acting like I was special to him. I told him once that ‘Could you please clear everything?’  He replied ‘it’s very clear, you just make it complicated’.
          Walongbote, everything is almost clear but one day I couldn’t stand up everything. Because it’s always the same, ‘saying things, which maybe not meant’ because I can’t feel it walongbote, he said he will be there for me, he will not leave me but it’s just maybe a flirtatious lie. He is not there when I need him most, he is txting me rarely. He is very unpredictable; he has this changing personality which I had a hard time to adjust. He is like half mined, half there, and more often not there, and is there then suddenly disappears and appear again. He makes me more confused. He always turn the situation which I will appear bad at the end. In the end I just realized that I can’t blame him because from the 1st place it’s my choice to stayed and we are only friends. Yes, were just friends and that’s why I couldn’t get mad of him. I’m defenseless.
                                                               Sincerely Yours,
                                                                                                                                              Walongbote
ON AIR: before anything else isn’t it funny that my name is also your name, anyway my friend walongbote sometimes the hardest thing to do is to admit that we fall to someone who is not our intention, because from the 1st place we knew it’s wrong. But in love? Nothing is wrong, what is wrong is that our heart can’t choose the right person to fall. Even though we know you are friends and he had this relationship with the other. It also not relevant to show affection to someone who is more than what you really are. Boys, tends to seek love when the other side can’t fulfill all those needs which he maybe find on you because you are special friends. Now it is the dilemma. You feel different now to that kind of affection that he shows to you, that makes you now confused. I knew its hard to open up to him, how you feel. But that’s taking the risk and expecting nothing in return. In the end if you stay silent as you are now, you will be bothered by those questions and makes you longer puzzled. He was really unpredictable and I can sense it though. Maybe he was also confused like you, that’s why he was on and off to you. It’s also hard for his case because he had this pending relationship and not totally broke up isn’t it? But the way I see it, he was trying to weight the situation. I’m not making you feel guilt about this, but walongbote maybe you need to prepared yourself now. Sometimes Letting go, is a way of saying I Love You. There are lot’s of chance for you to seek another love, save yourself. On the other hand, God knows if you and him are meant to be. By this time I will leave you with a song ‘Wag mo ng Itanong by MYMP’.
-Hainess.. hehe, yan ang tawag sa taong alam ang sagot pero di niya magawang gawin dahil natatakot siya. Madaling payuhan ang sarili, alam mo talaga ang sagot.. yun ang totoo, di mo lang magawa. Kumbaga, bahala na.. ganun lang yan. :p

          Pahabol pwede kayo sumalat din sakin in English or tagalog form about your personal love problem, and we will tried to answer that on the next edition of LOVE NOTES NI WALONGBOTE.

Currently listening to: kung wala ka-hale
Currently feeling: lonely
Posted by walongbote at 11:34 PM | 10 yumakap sa alak

October 23rd, 2006

Nanggagaya lang :p

       Dahil wala naman ako maisip na ipost at kung meron man ay reserba na lang sa mga susunod na araw :p
Gusto ko din makigaya sa uso ngayon.. ang question and answer portion! Mukang masaya sumagot din, kaya gusto ko din mafeel na tanungin.. hahaha!..


                      TANUNGIN NYO NA DIN AKO!


        Ai, pinalitan ko kulay ng tagboard ko ahehe.. kaya lang mukang di ata tama yung kulay sa layout koh :p colorblind kasi ako haha..

               Sa Comments muna.. :p Have a great weekend ahead!


 

Currently listening to: i miss you
Currently feeling: off
Posted by walongbote at 08:01 PM | 12 yumakap sa alak

October 26th, 2006

Answers!

Warning: All Questions below are answered honestly.


Jhed: Hmmmm. If you were to be born again and you have the freedom to choose your gender, what would it be and why?


[ cool question lol :p Ever since, I wanted to be a boy. I hate girls stuff to be honest but because its my nature I can’t do anything but to accept the fact that I’m a girl. If I would be a guy, maybe I’m the most sweetest guy in the inside but not on the outside. Its Like ‘mysterious guy’ *kuno*. I’ll treat every girls with due respect and patient. Boys are cool dude, but boys also cry. :p ]


Celena: If you only have 1 day left to live...what will you do and why?


[ Wow! *hold breath*  I’ll sit beside to those people who are close to me, and tell them how much I love them and care. And kiss them Goodbye L ]


Tsina: kung meron kang super powers san mo to gagamitin sa good o sa bad?


[ We human nature has this bad and good side right? Bad on the personal intention and good for the favorable to everyone. So, because I’m a human I’ll use it both to good and bad but of course more on good. Lol :p Malabo ba? ]


Karmi: maganda ba ko? joke..seryoso na..if you could turn back time, ano ang babaguhin mong part ng buhay mo? bakit?


[ for the 1st question, I’m beautiful and you are ay! ayaw gumana ng keyboard :p waaahhh! Joke lang, of course you are lol for the serious one, hmmp.. let me think? This is kinda hard so far. Anyway, siguro.. yun yung time na I’m acting so childish and there are lot’s of wasted time talaga! Sobra.. and I will filled that with accomplishment and maturity, but I think that’s natural right? Everyone is childish. And I’m tong-tong childish still :p]

Mr. Tuesday: ikaw ay isang aspiring nurse diba? anu pong masasabi ninyo sa mga gagraduate na nursing students para lang magtrabaho sa ibang bansa? Ano pong history ng walongbote?

 


[ yup! I’m aspiring to be a nurse? You know what dude! You will not really know me taking nursing course am I looked one? Haha.. well, nursing peeps who are going to abroad are cool, but to be honest it’s the money matter and just to see new places. I wonder how many year’s are left? Coz I’m so excited to go abroad too.. :p
For the 2nd question, I already answered this before so to avoid redundancy pls.  view the nextpage of this blog ]

Rai: hmm..sasaan po ba ang version 3 ng balik tanaw? Hehe..


[ Waaaaw! Suki ka ng balik tanaw story koh ha? Hehe.. kelan nga ba? I don’t know.. I’m still contemplating eh, haha.. may ganung factor?!


Basilik: baket?


[why?]


Ikay: bakit po ang liit ng sulatan ng comments? haha..pero eto talaga tanong ko..Where do broken hearts go?


[ yah, I’ll already fix the comment box sorry for that :p those broken hearts go to a place and find their lost self. Kumbaga? In a glass if it’s broken into pieces, the owner of that glass are looking for the  pieces or parts of the broken glass. Why? Simply to realize something to change? Put back? Worth? Or dumped it in the trash!. ]


Potpot: ahmmm...how many wood can a woodchuck chuck if a woodchuck can chuck wood??


[ there are four woods word in your question. So it’s four lol :p ]


Rowjie: tanong? hmmm... kung ikukumpara mo ang sarili mo sa isang bagay, ano ka at bakit?


[ I’m a key! Because I’m the type of person who always find the answer to my question. Key can open and discover the things inside right? Without the key, it will be very hard. Except if you are a theft. Lol :p ]


Billycoy: Heto ang sitwasyon, nahuli mo ang boyfriend mong bakla na kasiping niya ang bestfriend mong tibo. Heto ngayon ang tanong, How much is that dog in the window?


[ Is it that both them are dog? Because for what I know Dog’s tends to sex even gays or obit, or whatever gender is it. That dogs cause only P 0.00 and I will sell them for free? You want? Lol :p peace! ]


Kipay: ate, mahilig ka bang uminom ng alak??hehe..anung nangyayari sau pag nalalasing ka,wat i mean is anung ginagawa mu??hehe


[ Honestly, I only drink for sometimes. If my body needs it hahaha..more often if  I feel emo! :p I do not do anything when I’m drunk, I just sit there on the edge and laughed out loud w/ my hilarious joke. ]


Panghent: embarssing moment? as in ung major ha..hehehe..


[ Sobrang dami! Di ko na ma remember, everything is worse! Haha.. especially fooling myself to a guy. I’m dumped ass! Haha.. :p ]

Adrian: Pwede bang pahabol? question: Bakit maraming umiinom ng alak kahit ndi nmn masarap? (o masarap ba talaga siya? ndi ko po kc siya gusto)

[hindi siya masarap! mas masarap ang pepsi at ang ice tea! hehe.. kaya lang umiinom kasi this is the only drinks na makakapagpalimot ng mga bagay na gusto mong kalimutan kahit isang araw lang :p lol, for others, they find pleasure! ewan ko kung anong pleasure, sakin kasi happiness kasama ng mga tropa ko, but I don't drink that much]



This is it! Sobrang I enjoyed answering those questions, thanks for always dropping by at my blog! mwaaahhuggzzz

Currently listening to: huwag mo na sana( mahal kita)
Currently feeling: sleepy
Posted by walongbote at 10:54 PM | 9 yumakap sa alak

October 28th, 2006

Halloween Special ni Walongbote

HALLOWEEN SPECIAL NI WALONGBOTE..


          Awwooohh.. Ang chaka ng intro! Haha.. lol :p akala ng mga TV station na yan eh sila lang may Halloween special tribute, aba’y meron din ako!. Ako pa?! hahaha..
Actually, HALLOWEEN is my favorite holiday season beside from Christmas and my birthday.


Big Question Why? Huuuuwwaaattt???!


Haha.. simply I love creepy stories. #1 is yung  paranormal psychic power, the explanation behind the mysteries of ghost and yung mga iba pang elements. Dito ko nalaman ang ibat ibang katawagan sa mga multo. Isaisahin naten ha? At dito ako natuto ng mga bagay na dapat gawin at yung mga term para sa kanila.


1.      Ladies in colored gown - A woman who dress in a white, black or red. Sabi nila those ladies in white are not so harmful, pero they are the most common ghost na even kids knows a lot about them. Those ladies in black are evil form daw, mas masama at mapangpinsala sila. Red are those ladies who died w/ anger and obsession in red. They can drown you in their blood. For whatever is it.. nakakatakot pa rin makakita ng mga babaeng lumutang ang katawan.. Sila din yung mga sinasabing ligaw na kaluluwa, na humahanap ng justice to their sudden dead o kaya di matanggap na wala na sila sa mundong ginagalawan naten.


2.      Aswang/Mananaggal- Sila yung mga sinasabing may kakayahang magpalitpalit ng anyo. Pwede sila maging aso or pusa, or even human copy. Sila yung mga makikita sa taas ng bubong daw, at nangunguha ng baby sa tiyan ng buntis. The only way to stop aswang is budburan daw ang hating katawan nito ng asin upang di na siya makabalik pa sa katawan niya. Pag naabutan siya ng umaga tiyak! Na tepok siya!. Other’s sabi lagi kang may dalang bawang para lumayo sayo ang aswang.


Eto ang tip: pag pumunta ka sa capiz or siquijor at may kumalabit sayo, baka aswang yun,.. magingat ka kasi baka kinuhanan ka nya ng buhok. Remember this ang aswang sa harapan ay di totoo.. nasa likod mo talaga sila, kaya hatawin mo siya sa likod mo. Mapaglinlang kasi sila. Mana mana ang aswang, binibigay sa kanila yun ng mga ninuno nila. Nakakapagpalit sila ng anyo dahil sa isang ritwal at pagpapahid ng mga oil sa katawan. Malakas ang kanilang powers pag may buwan.

3.      Other Forms of element by nature: Tikbalang, duwende, Engkanto. Yan yung mga in nature anjan na talaga sila, kumbaga some of them are harmful other’s are playful. Minsan ang tikbalang, nagkakagusto sayo.. then tend to sex you when your asleep. Sila din yung mahilig mangligaw, kaya baliktarin muna ang damit mo kapag paulitulit ka ng umiikot sa isang creepy place. Mahirap kalaban ang elements kasi they are more powerful than the common ghost. Mas tuso sila. Duwende? Yan yung mga small humans katulad ni dagul.. joke! Hehe.. peace! :p I mean, meron dalawang klase niyan ang white dwarfs at ang black dwarfs di ito yung mga group of stars sa kalawakan. Halloween kaya ang topic ko! Haler! Hehe.. common sense, anyway ang white dwarf they are more good pero they can also harm you pag may ginawa kayong masama sa kanila. Pero yung black, sila yung playyful at masamang duwende. Nakakatakot sila, they will always play at you and even get you from this world. Sabi nila, when you go to there place and they offer you a food. PLS. DON’T EAT! Kasi di ka na makakabalik pa sa tunay na mundo mo. Engkanto, mga tagapagbantay ang iba ng kalikasan, other’s are formed of evil. Sabi nila yung nanyari kay Rico yan, may nagkagusto sa kanya na diwata or engkanto and ayun inoofer siya ng pagkain, kinain nya kaya di na siya nakabalik sa katawan niya. That’s paranormal investigation. Pero sabi naman nila eh bangungot nga daw. Mga gwapo at magaganda ang mga engkanto, they looked riched w/their outfit. At! Eto pa mga peeps! Alam nyo bang may tawag din sa tao sa bangungot, naku nalimutan ko ang term pero nasa dila ko na. Kaya lang di ko na talaga maalala.. kinukuha din nila yung mga taong malalim ang tulog. Sa ngayon di na uso ang tiyanak! Kasi wala pa naman sa ngayon generation naten ang narereport na may tiyanak, creepy stories na lang sa ngayon yun. Panakot kumbaga. Pero may mga batang muka talagang tiyanak, that’s a problem in the gene.

4.      Orbs- are the most photographed anomalies captured on film by ghost hunters. They most often show up as transparent or translucent balls of light hovering above the ground. Sila yung mga Believed by many to be the soul or spirit (human & animal) of those that have passed on from this life. The orb shape is obviously the most convenient way for them to travel around in their present state. There are other theories about orbs as well. One would be that they are a separate life form all together and are undetectable to the human eye because of their finer tissue. The other theory that I have read about is that they could be nature spirits. Most especially tree spirits. They are said to come out particularly at night when the tree is at rest and return when they are needed. Hey, I’m just telling you what I have read.  :p

5.     Demons-  “Our father who are in heaven.. familiar with this prayer? Sure you are! Kasi we always pray this even in school. Alam niyo bang never pray HoLY mary and Our father when you see demons, kasi sasabayan lang nila kayo. Why? Remember lucifer? She becomes once a servant of God but because he is perfect angel, he wanted to be praise like God. Ipinatapon siya galing langit. Kaya marunong din magdasal ang mga demons. Btw! Demons and Devil are different daw? Sabi nila Demons are servant of Devil Lucifer. Yun ang alam ko.

6.    Astral Projection- In astral projection the conscious mind leaves the physical body and moves into the astral body. Yung iba kayang gawin toh, yung iba aksidenteng nagawa, kaya sa mga may balak nito at di naman kayang bumalik sa katawan eh wag mo ng itry ok! Baka matepok ka ng wala sa oras.

7.     Dowadoger- I don’t know if that’s the spelling mali alam ko! Pero yun na yon, basta ito yung ginagaya nya yung identity ng tao.

8.     Barang at kulam- Akala ko nung una parehas lang ito, yun pala mas matindi ang barang. Ito yung sobrang lalabas sa katawan mo yung mga insekto or ano pang kadiring bagay. Pero yung kulam pasasakitin lang ang katawan mo. Ang barang pwede kang patayin.

9.    Vampires- Ito yung sobrang di na pinaniniwalaan ngayon kasi, napatay na daw silang lahat nung AD. Sila yung kumakagat sa leeg. Tapos sisipsipin ang dugo mo. Pagkain nila ang dugo. Dahil dito tumatagal ang kanilang buhay. Dracula is the most popular vampire, somewhere in Europe.

10.   Zombies- Eeew! May naniniwala pa ba jan? yung mga like frankenstein stories?. Sila yung mga patay na muling nabuhay.

11.   Dream Catcher- Ito yung gusto ng friend ko, isa siyang bagay. sabi niya ito daw yung kumukuha ng mga masasamang panaginip mo. Siya yung gumagabay sayo laban dun sa multo ng bangungot. Magkakabutas ito pag nanyari yun.

12.   Bloody Mary- Sinong di nakakakilala kay bloody mary daw, na kung gusto mo siya makita eh banggitin ng 13 times sa harap ng salamin ang kanyang name. Tapos taran! Makikita mo siya. Pero eto ang consequence pag napalabas mo siya, baka katapusan mo na sa mundo. Magpaalam ka na sa mga friends mo.

13.    Costume Party/Pumpkins/Trick or Treat- Who will forget those dress in vampire, white lady pag pumupunta ng mga halloween party. Yung mga pumpkins na gawa sa kalabasa. Yung mga bats, at sapot ng gagamba. Yan ang mga bagay na pang décor pag halloween. Giving candies kapag trick or treat.

14.   All Saints day/All souls day- Ayan ang araw ng mga patay at araw ng mga santo. Period. Kung saan ang mga naiwan sa buhay ay dinadalaw ang mga namayapa ng patay.

15.   3rd Eye- Wootness! Eto ang mga taong nakakakita sa multo. And even communicate w/ them. Telekenesis. Pano buksan? May nakita ako nyan sa internet date.. pero di ko binasa, ayoko kasi.. pero curious ako. Alam niyo bang 3 stage yan- 1st is yung stage of feelings- yun yung nakakaramdam ka lang. 2nd stage is the stage of seeing the ghost- yun na yung nakakakita ka ng multo, elements. And last stage is yung stage of seeing how they died. Oo, nakikita mo yung pagkamatay nila, at yung nakikita mo yung fresh blood pa, kasi yung 2nd stage wala na eh. Mas nakakatakot ang 3rd stage.

16.     Walongbote- Ako toh, hahaha.. siya lang naman ang nagnanais na makasama sa mga paranormal investigation, pero walang chance kasi wala siyang 3rd eye. Pero lakas ng pandama. Hehe.. Di pa ako nakakakita ng multo. Pero di ko alam kung sino ang humila sakin sa kama ko noon, ayoko ng maalala yun. Kasi di ko mabuksan ang mata ko nun. Kaya di ko nakita. Eh wala namang tao nun, kasi tulog silang lahat. At ng buksan ko ang aking mata wala naman. Ikaw naniniwala ka ba sa multo? Alam nyo bang sa pagtatype ko nito ay may 4 na beses na huminga sa tenga ko. Dinig na dinig ko! Walang biro, tapos sumasakit na yung ulo ko ngayon. Parang may nakahawak. Waah! Shattered na ito. Nga pala dagdag information. When you are so emotional, the spirits tries to find your energy at yun dun sila sa lugar mo at nagpapakita. Ang iba ay energy na lang, di siya multo. Yun yung alaala ng isang bagay na di niya makalimutan at sobrang attached siya dun sa place.

       Hai.. Happy Halloween sa inyong lahat. I know some of you are in the province and I’m here in the house. Haha.. wala lang, basta enjoy lang kayo ha. Pasalubong ko! :p Wait teka lang, sino yung babae dun sa likod mo?....... :p

Currently listening to: huwag ka ng iiyak-craeons
Posted by walongbote at 10:58 PM | 19 yumakap sa alak