Entries for November, 2006

November 1st, 2006

Apocalypse and beyond

          Ang totoo nyan eh, wala talaga ako sa mood mag-post ng bagong entry. Kaya lamang ay Nobyembre na, ayoko namang mapagiwanan ng panahon ang aking blog hahaha.. Naisip ko na lamang ishare sa inyo ang mga bagay na aking nalalaman sa ‘apocalypse ang beyond’ . Sounds interesting diba? To broaden the meaning of apocalypse it means; disaster, catastrophe, judgement day, destruction andend of the world. Pero di naman lahat eh doon ang aking sasabihin, may mga hidden stories din akong irereveal, which is I know some of you know’s about it.

  1. The book of The Vinci Code- Written by Dan Brown, a very good writer who captured the mind of innocent readers or even the philosophical reader. The book is fiction period. But the author itself knows how to connect the non-fiction to fiction.
  1. Mary Magdalene and Jesus- Meron daw silang hidden relationship, it happens na sa last suffer daw ay di lahat ng apostle ay lalake isa dun ay si magdalene. After na hugasan ni jesus ang mga paa ng apostle, the last na hinugasan nya ay si magdalene, then after that jesus and magdalene ay nagsex daw. Meron silang naging anak. Ang mga apo-apo sa tuhod daw ay buhay pa sa ngayon. Para sakin, what if it’s true? Eh ano naman ngayon diba? Jesus itself is also a half human, blessed by the holy one. So what if jesus has an affair with a human? Does it broke our faith to him? Or Does it broke your faith?. For me kasi, whatever it takes, jesus is still our brother, our father and our bestfriend. If he can accept us without questioning our status in life, why we can’t understand him. Anyway this are all fiction.
  2. Monalissa- The mystery behind the smile, wooosh! Sinong di nakakakilala sa kanya wala kasi siyang kilay. Sabi when vinci is painting the portrait, si vinci daw talaga yun. Seeing himself as a lady.
  3. The Illuminati sign in Dollar- Ang unang presidente daw ng Amerika ay illuminati member itself, para daw maging isang powerful ang bansang amerika nakipagkasundo siya sa mga illuminati. In paid, kailangan ilagay ang sign ng illuminati sa dollar. Yun yung mata dun sa parang pyramid or triangle.
Who know’s about NOSTRADAMUS? Isang manghuhula na almost his written prediction is 99.9% daw is true?
In his prediction about a two tower will fall from a plain. This is the twin tower the world trade center na gumuho at the same time sa pentagon in the white plain.
The two powerful nation will be in the war. Dba’t ito na yung Iraq and Amerika?.
In the bible, kapag tinignan mo daw ito in matrix system. You will see the name Hitler, Twin tower, Osama bin Laden, Sept. 11. etc.
ADOLF HITLER- ‘The born devil’. Bilangin mo ang bilang ng kanyang pangalan, its all 6? Right? A sign of devil.
Okay I’m going to post a chain letter, which is its up for you to re-post. :p
1)     New York City has 11 letters

2) Afghanistan has 11 letters.

3) Ramsin Yuseb (The terrorist who threatened to
destroy the Twin
Towers in 1993) has 11 letters.

4) George W Bush has 11 letters.

This could be a mere coincidence, but this gets
more interesting:

1) New York is the 11th state.

2) The first plane crashing against the Twin
Towers was flight number
11.

3) Flight 11 was carrying 92 passengers. 9 + 2
=
11

4) Flight 77 which also hit Twin Towers, was
carrying 65 passengers.
6+5 = 11

5) The tragedy
was on September 11, or 9/11
as it
is now known. 9 + 1+ 1 = 11

6) The date is equal to the US emergency
services
telephone number
911. 9 + 1 + 1 = 11.

Sheer coincidence..?! Read on and make up your
own
mind:

1) The total number of victims inside all the
hi-jacked planes was
254. 2 + 5 + 4 = 11.

2) September 11 is day number 254 of the
calendar
year. Again 2 + 5 + 4
= 11.

3) The Madrid bombing took place on
3/11/2004. 3
+
1 + 1 + 2 + 4 = 11.

4) The tragedy of Madrid happened 911 days
after
the Twin Towers
incident.

Now this is where things get totally eerie:

The most recognised sym bol for the US, after the
Stars & Stripes, is
the Eagle. The following verse is taken from the
Quran, the Islamic
holy book:

"For it is written that a son of Arabia would
awaken a fearsome Eagle.
The wrath of the Eagle would be felt throughout
the lands of Allah and lo,
while some of the people trembled in despair still
more
rejoiced: for
the wrath of the Eagle cleansed the lands of Allah
and there was
peace."

That verse is number 9.11 of the Quran.

Still uncovinced about all of this..?! Try this
and see how you feel
afterwards, it made my hair stand on end:

Open Microsoft Word and do the following:

1. Type in capitals Q33 NY. This is the flight
number of the first
plane to hit one of the Twin Towers.

2. Highlight the Q33 NY.

3. Change the font size to 48.

4. Change the actual font to the WINGDINGS

What do you think now?!!

send this to 300 people or something bad will
happen to you in 4 seconds.

The truth is I hate number 11, why? Secret.. basta ayoko ng number na yan, magkamatayan na! ayoko makakita ng number 11.

Have a great weekend guys!! :p

Currently listening to: ewan-imago
Posted by walongbote at 10:57 PM | 12 yumakap sa alak

November 4th, 2006

whhattta night!!

          Nabibilang na lamang ang araw na ilalagi ko dito sa bahay, 2 tulog na lang at pasukan ko na naman. Magkakamot na naman ng ulo sa mga aralin at tutulo na naman ang laway sa sasakyan upang makabawi sa tulog. Hayaan mo ng matulog sa balikad ng ibang pasahero at pagkagising mo ay parang walang nangyari. Di man lang nagpasalamat sa hiniram na balikad na ginawang pansamantalang unan.


          Kanina lamang ako umaga dumating galing sa overnight swimming kasama ng tropa ko nung Highschool. Lumundag ako sa harapan ng computer pagkatapos kumatok ng malakas sa gate ang aking mga kaibigan upang sunduin naku patungo sa Villa Diaz Resort na pagaari ng kaibigan ko. Wala akong dala kundi pera, cellphone, jacket at adobong manok. Nagtataka kayo bakit wala akong dalang pang swimming na damit?. Oo hindi ako nagswimming dahil pinagbawalan ako ng doktor magswimming sa swimming pool dahil nagkaroon ng problema sa tenga ko pagkatapos ko lumangoy noon. Sa dagat na lang daw ako maaaring magswimming.


          Noon kasi ay MTW ako nasa swimming pool 1pm-5:30pm bakit? Kasi required yun sa PE namin sa nursing. Buong summer ay namalagi ako sa swimming pool, pwera pa ang mga outing namin ng tropa ko na swimming din. Kaya sawang sawa ako noon, kulang na lang ay magkaroon ako ng palikpik at buntot upang maging isang SIRENA na.


          Kaya kagabi ay nagtanggal na lamang ako ng sapatos at nagbasabasa na lamang ng paa. Dahil sa naiingit ako kagabi sa kanilang masayang paghahabulan sa pool, at pinipilit nila ako lumangoy. Pinahiram ako ng short ng kaibigan ko na si MARK ang mayari ng swimming resort. Pinahiram din ako ni louanne ng tshirt, guess what? Lumusong  ako na walang panty at bra sa tubig. Naka short lamang at tshirt ang tatag koh!!! Hahahaha… pero di ko binasa ang ulo ko, katawan lamang.. upang mafeel ko lamang ang maglakad sa swimming pool hahahaha..


          Bumili sila ng EMPERADOR , dahil di ako umiinom ng hard drinks at upang makisama lamang sa minsan lamang na pagkikita ng tropa ng Highschool ay nagshot ako ng 3 beses at tumakas na ako dala ang 2 kong kaibigan na hindi rin umiinom ng hard drinks. Umupo na lamang kami sa isa pang umbrella at dun nagkwentuhan na lang.
          Nagvideoke kami pagkatapos at umupong muli at kumain at nagkwentuhan.


Pinagusapan namin ang mga nakalipas nung kami ay HS pa. Ang multo sa shooting namin noon ng pinifilm namin ang kwento ni JESUS na naging champion sa MOVIE COMPETITION  sa aming social studies class. Maraming memories pero ang pinakamasaya ay di pa rin nakakalimot sa matagal ng pinagsamahan na hanggang ngayon ay buhay pa.

Currently listening to: rebound-silent sanctuary
Currently feeling: shocked
Posted by walongbote at 10:56 PM | 20 yumakap sa alak

November 8th, 2006

wala na...

          Nagsimula na ang klase mula pa nung Lunes. Katulad ng parating eksena, sa eskwelahan namin makikita ang mga estudyanteng naghahanapan ng classroom, kaklase o professor. Pereho pa rin ang classmate ko ngayong sem, mabuti yun upang di na kami mahirapan pang mag-adjust sa bago na namang kaklase. Yun nga lang ay nadagdagan ang klase namin kaya may new classmates na naman. May nawala rin dahil sa nahuli sila ng pagpapaenroll.


          Unang araw ng klase, ay maririnig ang lakas ng mga boses namin sa bawat sulok ng kwarto. Nagkwekwentuhan sa mga naganap nung aming sembreak. Tinanong ako ng aking kaklase. “Fur, musta ang bakasyon?” sumagot ako “ito, ayos naman. Ganun pa rin.” Mukang hindi nakuntento sa aking sagot ang aking kaklase. “panung ganun pa rin?” ngumiti na lamang ako at sumagot “wala ayos lang.” mahina lamang iyon. Hinayaan kong magkwento sila sa akin ng nanyari sa kanila nung bakasyon. Hindi mapagkakaila na masaya ang kanilang bakasyon, nagigilid sa kanilang mga labi ang ngiti, at ang kinang sa kanilang mga mata.


          Totoo, walang nagbago sakin. Wala akong maikwento katulad ng kanilang masayang bakasyon. Ang kanilang makukulay na pagibig at mga nabuong pagiibigan. Wala akong kwento katulad nila. Masaya ako at naging ‘happy’ ang kanilang bakasyon.


          Pauwi na ako sa bahay, katulad pa rin ng dati sumasakay ako ng QUIAPO at bumababa sa Isetan patungong LRT Recto at bumababa sa LRT Cubao at muling sasakay ng FX sa may terminal sa farmers patungong San Mateo Rizal. Mahaba haba ding byahe yun, at habang nakasakay ako sa sasakyan. Napagnilaynilayan kung muli ang mga nanyari sa eskwelahan. Nangiti ako ngunit di ko mapagkakaila ang lungkot na nadarama ko. Gusto kong umiyak, ngunit hindi maaari. Maraming makakakita, pinipigilan ko na lamang ang aking sarili hanggat sa makarating ako sa bahay. Yakapin ang aking unan at dun ibuhos lahat ng natatagong lungkot na nadarama ko. Wala silang alam sa mga nangyari sa akin nung bakasyon. Hindi rin halata sa akin na may dinadala akong lungkot sa aking puso. Kilala kasi nila ako bilang isang masayahin at komedi ng klase. Wala silang alam, hindi nila alam.

          Habang aking napagtatanto ang mga pangyayari naisip ko na lamang na hindi ko alam kung anong nanyari, bigla ko na lamang naramdaman na wala na siya. Iniisip ko bawat sandali kung anong dahilan ng kanyang paglisan. At paulit-ulit tinatanong sa sarili anong nagawang kamalian. Wala akong maalala, ang tanging natatandaan ko ay minahal ko lamang siya.


          Iniisip ko ito. Kung hindi niya ako minahal sana ay hindi niya na lamang pinaramdam sa akin na may pagasa sa aming dalawa. Sana ay tuluyan na lamang siyang nawala ng minsan niya na akong iniwan. Pinagbigyan ko siya sa pangalawang pagkakataon, umaasang mabibigyan ng bagong simula ang lahat sa amin. Ngunit habang iniisip ko ito, nangiti lamang ako sa aking sarili. Bakit ako umaasa sa isang bagay na malabong mangyari? Bakit ako nasasaktan sa tuwing wala siya? at maiisip ko na lamang ‘Oo nga pala hindi naman pala kame’. Wala akong karapatan na magalit sa kanya, dahil hindi niya ako binigyan ng karapatan na pangawakan ang buhay niya. Ano ngayon kung hindi kita itxt? Ano ngayon kung iwan kita? Hindi naman tayo. 

          Oo nga hindi tayo, pero sana binigyan mo lamang sana ako ng kahihiyan. Sana sinabi muna sa akin na wala tayong pagasa at hindi mo na pinadama na mahal mo rin ako. Sa pagaakalang maaaring magkaroon ng ikaw at ako. Sana nagpaalam ka man lang na ako’y iiwan muna, na wala ka na. Nangangapa ako parati sayo, parati kong hinuhulaan ang susunod mong gagawin. At bigla ko na lamang naramdaman na magisa na lamang ako.          Pinilit kong ibalik ka, hinawakan ko ng mahigpit ang iyong mga kamay at niyakap kita. Ngunit kumalas ka sa pagkakayakap ko sayo, at binitiwan mong ako. Mahirap para sa akin yun, mahirap sabihin ang aking nararamdaman. Alam kong di ako nagsasalita, hindi ko rin gaanong pinaparamdam, ngunit alam kong alam mo.


          Sa pangalawang beses mong paglisan, baunin mo sana ang mga masasaya nating alaala. Maalala mo sanang di kita iniwan sa ano mang pagsubok na dumaan sa atin. Parati akong nandito para sayo. Ang mga awitin natin sa isat-isa na patuloy pa ring itinutugtog sa ating mga alaala. Oo na mahal na ngang talaga kita, hindi ko na yun mapagkakaila. Ayokong bumitiw, pero kung dun ka masaya. Isusuko ko ang sariling kasayahan ko.
           

Currently listening to: pwede ba-soapdish
Currently feeling: numb
Posted by walongbote at 10:51 PM | 16 yumakap sa alak

November 14th, 2006

Take 1..take 2.. more pictures!

Chosen Song: Inuman Na ng Parokya ni Edgar

Chosen Song: Magpakailanman by Rocksteddy

Chosen Song: Beer by Itchyworm

 Chosen Song: Narda by Kamikazee

Chosen Song: Heaven Knows by Rickprice

Chosen Song: Superhero by Rocksteddy

 Ok, I really don't have enough time to make a new entry, so I just put our pictures, just to see those smiles to brighten up my day I hope I can get some more smiles.. from you..

 

Currently feeling: working
Posted by walongbote at 10:49 PM | 11 yumakap sa alak

November 22nd, 2006

So long..

Hey' looks like I've been in a hiatus here in the blog world. Well, I have much to said.. but I tried to busy myself this start of the semester, I have lots of things in my mind.. I think I'm overloaded.

I tried to see the days as another day, another hope and another start. But, I'm very pessimistic person, nauunahan ako ng mga negative aura. I think I'm not ready to start it all over again, I need time..Well it will takes so long.. Is it true that time heals the pain? well I guess somehow.. but it will leave you a scar..

I'm not tired, well the brains works 24 hours a day. No rest. Even you are sleeping, half of your body is still working. Maybe, I reach the point of 'TAMA NA, HANGGANG DIYAN KA NA LANG'. But still, I want to fight yun nga lang para kasing wala na rin namang patutunguhan. Kaya lang baka pwede pa.. pero baka kasi wala na.

 Well enought for this emo post, mukang napapadalas ata ang pagpopost ko ng emoness.. baka mamiss nyo na yung dating walongbote hahaha.. Tomorrow will be my dity in JRRMC in the SICU ward.. well goodluck! hehe..

 

"I love to sleep, my world has a tendency to fall apart when I'm awake.." -ERNEST HEMINGWAY-

 

 

Currently listening to: bitaw-spongecola
Currently feeling: tired
Posted by walongbote at 10:47 PM | 5 yumakap sa alak