I bet you should read this! Medjo mahaba pero masaya ito:
Masama ang magkumpara ng isang tao sa isa pang tao, kadalasan ito ang pinagsisimulan ng pagaaway ng magkabilang panig.
“Wag mo ako ikumpara sa kanya, iba ako! Iba xa!”
yan ang drama, na pwedeng pang MMK bow. Pero minsan di rin kasi talagang maiwasan ikumpara si ganito kay ganito.. dba? Nangyayari ito madalas lalo na kung hinahanap mo ang isang bagay na wala sa kanya. Unahin na natin ang drama sa bahay na pwedeng pang FAMAS AWARD.
Nanay: Punyeta! Ka, sana hindi na lang kita iniluwal sa mundo kung ganyan din naman pala ang paguugali mo. Mabuti pa yung anak ni aling ester, ang bait bait.. hindi sakit sa ulo. Ikaw! Wala kang kwenta!
Anak: Eh ganun nyo na ba kakilala yung anak ng kapitbahay para ikumpara nyo ako sa kanya?
Nanay: At sumasagot ka pa! yung anak ni aling ester hinde xa sumasagot! Ikaw wala kang galang sa nakakatanda sayo!
Anak: pwes! Wag nyo ako ikumpara sa kanya!
Nanay: Maldita kang bata ka! Halika nga dito at sasabunutan kita, gugupitin ko yang mga buhok mo! humanda ka!
Hanep! To the maximum level, carry nyo ba ang ganong mga eksena?. Hahaha..Hindi rin mawawala ang ganitong eksena sa school. Tulad na lang nito..
Professor: Pagkatapos ko magdiscussed, magkakaroon kayo ng mahabang pagsusulit ngayon. Walang aangal! Responsibilidad nyo bilang estudyante ang mag-advance study upang di kayo bumagsak!
Student1: (bumulong kay student 2) hai.. naku, buti pa si teacher [insert name here] binibigyan tayo ng pointers kung san ang pagaaralan, tapos pag nagdiscussed xa, bukas na lang ang exam. Atliz nakapagreview pa tayo at mataas tiyak ang score.
Student 2: Oo nga! Napaka terror naman kasi nitong prof. natin, kala mo kagalingan! Mas magaling pa si teacher [insert name here] kesa sa kanya noh! At mas gusto ko style nun sa pagtuturo.. di katulad nito.. puro book based!
Oh nakakarelate ka na ba? Marami pa kung tutuusin.. pwede rin manyari yan sa mga pangkaraniwang usapan sa buhay. Tulad na lamang nito..
Girl1: Ang gwapo ni [insert name here]
Girl2: nyaak! Hindi noh, mas gwapo si [insert name here] at mas matalino pa.
Girl1: O xa, pero magaling ba magbasketball? Wala! Walang sinabi!
Girl2: eh wala naman utak yang krush mo, di tulad ni [insert name here] matalino na gwapo pa. di naman nakukuha yun sa basketball.
Girl1: Alam mo, dagdag pogi points sa lalake ang magaling magbasketball. Kung di xa matalino, di nya kayang dumiskarte sa basketball, ryt? Masarap sila magmahal at romantic. Yung krush mo, walang diskarte yan. Pustahan!
Girl2: O xa! Well, alam mo ang ganda talaga ng mga palabas sa KAPUSO!
Girl1: Ano ba naman yan, eh gaya gaya lang naman sila eh. Mas maganda ang kapamilya!
Naku.. mukang tumitindi ang bangayan dito ha! Hehehe.. pero ito share ko lang yung aking experience talaga ng pagkukumpara na naganap lang nung simbang gabi kanina. Kaya naisipan kong gumawa ng post ukol dito.
“Habang malamig ang simoy ng hangin at hindi pa nagsisimula ang misa, ako ay nakikipagusap muna sa isa kong kaibigan na lalake. Dumalaw xa samin kasama ng isa ko pang friend na babae. Isa xang long time suitor, pero hanggang ngayon ay wala naman ako talagang nararamdaman sa kanya..” Habang ako ay nakikinig sa mga kwento nya, kung ano anong pumapasok sa isip ko, xmpre! Di magandang nakikipagusap ka na ang totoo nyan eh, lumilipad ang isip mo at wala sa kanya ang atensyon mo. Ito ang mga salitang binitawan nya na ikinumpara ko sa ibang tao.
“Di ako gaanong umiinom, nasusuka ako kaya minsan isang shot lang ok na!”
[ Sa isip ko, si [insert name here] kahit ilang bote pa ng alak ang tunggain nya, kayang kaya ng tiyan nya. Di xa kahit kelan sumuka sa inuman. At sobrang BATAS xa pagdating sa laklakan ng beer.in a positive way maganda rin naman yung hindi ganong umiinom.]
“Di ako mahilig sa mga kantang alternative rock.. katulad ng mga rocksteddy.. nakikinig ako ng rap.”
[shit! Fav. Ko yun eh! At hilig ko ang tunog PINOY ROCK BAND! Sinusuportahan ko silang talaga! At si [insert name here] hilig naming dalawa ang mga kantang parokya, hale, rivermaya etc. kaya kami nagkakasundo. Di kami mahilig sa RAP! Yuuck!]
“parati kami nagrorosaryo. At nagsisimba.”
[in a positive way tama naman yun. Kaya lang sa isang tulad kong di lumaking taga simbahan, para namang na-down ako dun. Pero di naman gaano. Hindi kasi kami nagrorosaryo, wala sa habit namin yun. Si [insert name here] di rin magilig magsimba, ang tanong nagsisimba kaya yun? Atliz ako kahit pano medjo..]
“Wag ka sumandal jan. natatamaan mo si manong. Nagseselos ako!”
[yuuck! Haler? Ang sweet mo.. naiinis ako! Tayo ba? Alam kong concern ka sakin.. pero kasi ang kati eh! Ewan ko ba, ang smooth kasi ng dating pre eh! Si [insert name here] sweet yun, pero ibang klase yung pagiging sweet nun. Kung xa siguro nagsabi nun ganito sasabihin nun: “abnormal! Wag ka nga sumandal jan, di ka papatusin nyan! panget ka eh!” hahaha..]
“nung dumalaw ako sa lolo ko, dun ako nakahawak ng malaking pera”
[sobrang sama ko! Para ikumpara ito sa ibang tao, pero dahil paninindigan ko na ang pagiging masama ko ngayong araw na toh!. Si [insert name here] pinapaikot lang sa kamay ang ATM card. Wala ng mapagtapunan ng pera, bigating CP meron na xa, lahat meron na. kaya kahit asong mamahalin pinatos na. yun nga lang marami pa rin xang pera. suz! Ang sama ko talaga” patawarin ako diyos..]
“Di ako babaero..”
[si [insert name here] pinagmamalaki pa ang mga babae nya.]
well madami pa kung tutuusin pero sa dami at sa sobrang sama ko para ikumpara xa sa ibang tao ay ayoko ng padamihin pa ang kasamaan ko. Wag kayong magalit sakin.. minsan kailangan mong magkasala, upang matutunan mo kung ano ang tama. At alam kong “MALI ANG MAGKUMPARA”.
Currently listening to: your love-alamid
Currently feeling: enraged