Entries for April, 2007

April 2nd, 2007

nagbabalik..

          Mainit na pagsalubong sa aking pagbabalik, ngunit muling aalis.. tama ang inyong nabasa, napadaan lamang ako at nagpalit ng anyo ng bahay at nagulat sa mga nabasa at natunghayan sa aking paglilibot sa mga malalapit kong ka co-blogger’s kilala ninyo kung sino kayo. Pasensiya na kung hindi man lang ako nakapagiwan ng kaunting mensahe, dahil naghihingalo ang aking ‘put*****’ na ISP bonanza card. Ang hirap talaga ng hindi naka dial-up katulad ninyo, kaya isang daang libong taon bago ko mabuksan ang isang blogsite, kaya maswerte ang mga pinagtyatyagaan kong basahin.. ehem..


          Naging busy ang aking buhay sa 2 buwan na nagdaan na di ako nakapagsulat dito. Busy nga ba? O nawalan ng interes sa pagbloblog. Sige na nga isa na rin sa dahilan ang pagkawala ng gana, dahil wala akong matinong internet card. Kung meron lang siguro akong mabibilis na broadband eh parati ako nakatutok sa kompyuter. Isa pa ay nagbabalak akong maglipat ng bahay, gusto ko sanang maging kapamilya na ng WORDPRESS. Ngunit sa kasawiang palad nanghihinayang ako sa mga nasimulan ko na dito sa aking pinakamamahal na tahanan ang TABULAS. Kaya naisipan ko na wag na lang muna.


          Kamusta na ba ang buhay ko? Ito buhay pa naman. Walang nagbago isa pa ring abnormal na nilalang na hanggang ngayon ay nabubuhay pa rin sa kawalan. Kawalang lovelife. Wala muna akong balak makipagrelasyon sa kahit sino At teka lang kailan ba ako nagkaroon ng karelasyon?  Haha.. Napaka plastik ko naman kung sasabihin ko na ayos lang ang walang lovelife sa 19 taon na aking buhay. Siyempre di mo matatago na gusto mo rin magkaroon, yun nga lang ay hindi pa nga dumadating yung panahon na yun. Kaya mapapayo ko sa mga kapwa at kapareho kong loveless sa buong buhay nila ‘maghintay!’ o teka, may nagreact na? ang tanong paano kung hintay ka ng hintay pero wala pa ring dumadating at matanda ka na? ito lang ang masasabi ko ‘iyon ang tadhana mo!’ sana naman ay hindi..


          Tama na ang masaklap na pagibig na yan, ano na ba ang nanyayari sa mundo? Hai.. patuloy na umiikot, at sa pagikot nito nakakahilo.. kung hindi ka marunong sumabay sa agos at ikot nito ikaw ang kawawa. Walang tutulong sayo yun ang totoo, dahil sino ba ang ayaw maligtas? Lahat tayo ay nais maligtas, kaya sa panahon ng kagipitan sarili mo lang ang iyong maaasahan. Tumakbo ka kung gusto mo, bahala ka sa sarili mo!. Ganyan talaga ang buhay..
          Mahal na araw ngayon, sa mga katoliko uso pa ba ang penitensya? Pagpipinitensya ba ang pagpunta sa boracay? At pagpapatugtog ng sobrang lakas sa panahon ng pagkamatay ni hesus, eh ang pagkain ng marami sa mga handaan?. iba na talaga ngayon..
          Muli ako’y magbabalik kapag may panahon.. at may oras pa.. bahala na..

 

Currently listening to: inscribed under: blogalife
Currently feeling: sleepy
Posted by walongbote at 11:55 PM | 11 yumakap sa alak

April 16th, 2007

Lucky 16?

          Hindi ko paborito ang numerong 16 , nagustuhan ko lamang ito dahil sa magaan sa pakiramdam sa tuwing naririnig o nakikita ko ito. Sa isang daang porsyento na nilalang sa mundo  45% ang favorite number ang 16. Makikita mo ito sa mga damit, badge, sapatos at kung saan saang mga ginagamit na bagay. Kilala din ito sa tawag  na ‘SWEET 16’ kung saan ang isang babae ay umabot na ang edad sa numerong ito. Hindi ko alam, pero nung ako ay labing anim na taong gulang ay hindi naman ako matamis. Seryoso hindi ako matamis, hindi talaga ako sweet. Sa literal na tawag hindi talaga ako matamis, pero kung ito ay isang - - idiomatic expression o isang metaphore hindi pa rin ako sweet dahil hindi ako girlalush, o makikay o kaya naman ay hindi ako malambing. Kung malambing man ako, isa siguro akong brutal na sweet na tao dahil sa ‘pangaasar’ ang paraan ko ng pagiging sweet. Sa anumang kadahilanan kung bakit tinawag na ‘sweet’ ang 16, ito lang ang masasabi ko ayokong langgamin.


          April 16, 2007 kahapon - -kuneksyon? Malaki ang kuneksyon ng numerong 16 sa nanyari kahapon.


          Maaga ako gumising kahapon, alas-dos y’ medya pa lamang ng madaling araw ng kumain ako ng almusal at naligo ako. Kinakailangan kasing alas-kwatro ng umaga ako makarating sa eskwelahan ng dahil sa inaakala naming lahat na ‘adding ng subjects’ nung araw na iyon. Kung saan lahat ng kulang mong subjects ay pwede mong i-add ngayong summer, lalong lalo na sa isang transfer na tulad ko. Dahil sa na-media ang eskwelahan namin noon sa kadahilanang nagkaroon ng stampede nung adding, dahil sa mahaba ang pila, ayoko ng uling maulit iyon at makipagsabayan sa mga nagtutulakan at mga makakapal ang mukang harap harapang nakikipagsingitan sa pilahan. Alas-tres y’ medya na ako nakaalis ng bahay at dumating sa cubao ng alas-kwatro. Dahil nga alas-kwatro na, hinintay ko na lamang ang LRT magbukas ng alas-singko. Dumating ako sa eskwelahan ng alas singko y’ medya, at ako..ako.. ako.. lamang ang tao sa eskwelahan!!
Walang pila—wala.. wala talaga. Nahandun ang aming guard at tinanong ko kung may adding ba ng subjects at ang sabi nya ‘nagalit si DEAN nung sabado, kasi may nagkalat na adding daw nung araw na iyon. Kaya nagkagulo. Kaya walang adding ngayon’. Biglang naguho ang aking mundo dahil sa pagkatapos ng paggising ko ng maaga ay wala rin pala akong napala. Isa itong malaking NO-NO—hinde pwede toh!!! Hinintay ko dumating ang mga kaklase ko, ibinalita ko sa kanila na ‘walang adding daw’ kitang kita ko sa kanilang mga tenga ang usok ng isang torong nagpupumiglas sa sama ng loob.


          Umuwi na lamang ako sa bahay ng sawi, ngunit dumaan muna sa SM upang bumili ng cake dahil birthday ng araw na iyon ng aking – tanging ina. Oo, birthday din nung araw na iyon ng aking ina! Kaya hindi ko alam kung magiging masaya ako o malulungkot. Birthday din nung araw na iyon ng aking kaibigan sa highschool, kaya pumunta ako nung hapon sa bahay nila. Kasama ng iba pang mga kaibigan. Hindi ako gaanong umiinom ng ‘SAN MIG LIGHT’ hindi siya kayang tanggapin ng sikmura ko. Sanay ang aking tiyan sa ‘REDHORSE’.. oo tama! Nasimulan ko kasing uminom sa mataas na kalibre ng klase ng alak, kaya hindi kaya ng aking lalamunan ang SAN MIG LIGHT. Pero dahil libre ang inuman sa bahay ng aking kaibigan, at ‘SAN MIG LIGHT’ lamang ang pwedeng tirahin, at dahil sa nais ko ding uminom wala akong nagawa kung hindi tunggain ang matalik na kalaban ng aking pagkatao. Pinapak ko ang manok kasabay ng paginom ng alak. Sa sobrang kabusugan, nagsimula ng magalab ang aking tiyan. Humarurot ako sa banyo at doon nilabas ang sama ng loob. Oo! –Sumuka ako!. Sa kasawiang palad hindi ko namalayan na kasama sa aking pagsuka ang aking ‘RETAINER” anak-ng-katipunan! nawala ako sa aking kamalayan at binuhusan ko pa ang inidoro. Kasabay ng paglubog ng manok, at ibat ibang pagkain at alak na sangkap ng aking suka ay lumubog din ang nagkakahalagang ‘P 3, 500’ na retainer, na pinalubog ko lamang sa inidoro. Paglabas ko ng kubeta, wala pa rin ako sa katinuan, tawa pa rin ako ng tawa at kwento ng kwento.. ng maramdaman kong ayos ang aking pagsasalita at walang maramdamang bakal sa aking bunganga. Nagpumiglas ako at sumigaw ng ‘PUTANGINA! Ang RETAINER koh’ nagurumintado ako at pinilit na isipin kung saan napunta ang retainer na nasa bunganga ko lamang at biglang nagdissapear. Dun lamang nagising ako sa kamalayan na ang retainer na hinahanap ko ay wala sa timba, wala sa upuan, wala sa aking lalamunan kung hindi nasa ‘POSONEGRO’ na. Hindi ako umiyak—nagaalala lamang ako sa sermon na maririnig ko sa aking ina pagdating sa bahay. Birthday pa naman nya!


          Hilong-hilo ako sa ‘SAN MIG LIGHT’ na tinira ko, at sumuka pang muli sa banyo, kasabay ng nangingilid na luha sa aking mata sa kasawiang inabot ng araw na iyon. Naalala ko tulog nung ako ay nag-debut, san mig light ang inorder ng aking ina. Sa pagaakala nyang kaya ng aking tiyan ang alak na iyon. Mabuti naman at nung araw na iyon ng tutunggain ko na ang SAN MIG LIGHT ay biglang inagaw sa aking mga kamay ang taong sumisimbolo sa aking buhay ng numerong ‘16’ siya kasi ang kadahilanan kung bakit natutunan kong mahalin na rin ang numerong iyon. Paborito nya kasi yung numerong iyon at halos maubos ang kanyang ballpen sa kakaguhit ng ibat ibang version ng number 16. May superman, may monotype corsiva at may arial. Ng umuwi ako sa bahay at pagkatapos tanggapin ang sermon na inabot ko sa aking ina at ng sigawan ako ng ‘LASENGGERA ka kasi!’. Pumasok na lamang ako sa silid tulugan, at dinama ang pagikot ng aking paningin. Malinaw ang aking katinuan.. hindi naman talaga ako lasing.. may tama lang.. hindi lang talaga ako sanay uminom ng san mig light. Sa aking pagtulog naisip ko na lamang at nasabing ‘kung andito lang ang sumisimbolo ng 16 sa buhay ko, hindi siguro nangyari yun. Pipigilan nya ako uminom at siya ang titira nung san mig light na yun, kaya nya kasing laklakin ang kahit ilang bote pa ng alak.Ngunit wala na.. wala na...

          Pero kahit wala na.. tuloy pa rin ang inuman.. sa kahit anong paraan.. sa kahit ano pa mang dahilan..
 

Currently listening to: best I ever had--verical horizon at beer-itchyworm
Currently reading: inscribed under--blog a life
Currently feeling: drunk
Posted by walongbote at 10:56 PM in bloGtrippin as a favorite post | 24 yumakap sa alak

April 30th, 2007

Trahedya sa daan

Babala: Ang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang di angkop sa mga batang kumakain pa ng lollipop. Patnubay ng magulang ay kailangan. Rated PG 18.

 

 

 

          Marami sa atin ay takot sa nilalang na ito. Pag nakikita pa lamang sila ay nagsisitakbuhan na ang mga tao, nagtitilian, kumukuha ng tsinelas o kaya tinetepok gamit ang pamatay na insecticide o spray. Malas mo kapag ang katabi mo ay ikaw ang pinalo ng tsinelas sa muka dahil sa sobrang bugso ng kanyang damdamin.


Ngunit naisip mo bang kung nagsasalita lang ang ipis ay sinabi nya na sayo na “wag ka naman ganyan! Ginawa rin naman ako ng diyos!” --- hala kung siya man ay binigyan nga ng pagkakataong magsalita, ay dun talaga ako matatakot.. mas nakakatakot kaya ang nagsasalitang ipis kesa sa lumilipad na ipis.


Ang totoo nyan ay di naman talaga ako takot sa ipis lalo na kung gumagapang lang naman ito. Tumatakbo lang ako kapag ito ay nasimula ng “magfly-fly-fly”  sa kadahilanang mayroon itong mga dalang mga sakit. Mas takot ako sa bulating itim, na kahit di pa lumalapit sakin ay tumitili na ako, lintik! lang ang hindi tamaan ng malalaki kong tsinelas na size 7.


Pero, ayoko rin naman talaga din ng ipis. Pero hindi naman ito maiiwasan lalo pat kung umakyat ito mula sa mga imburnal, o lumusot sa mga butas ng bahay. Ang tanging solusyon na lamang ay puksain sila!!. Ngunit ang tanong ay naawa ka ba kahit minsan kapag pinapatay nyo sila? Sa palagay ko hindi. Ngunit kung nasaksihan nyo sana ang kaawaawang kapalaran ng isang ipis na nakita ko kaninang umaga, siguro hindi ka na magiging malupit ng sobra sa ipis.


Patungo ako at ang aking ina sa aking duty sa Caloocan kaninang madaling araw (4:30am), ihahatid nya ako dahil sa hindi ko alam kung paano ang daan papuntang caloocan health department, kung saan magkakaroon kami ng orientation ng aking mga kasama, bago kami dalhin sa kanikaniyang barangay health center ng aming C.I(clinical instructor). Habang kami ay naghihintay ng masasakyan, ay napansin ko ang isang ipis na gumagapang sa daan. Sabi ko sa aking ina--- “mommy, tignan mo yung ipis.. angas eh, sa gitna pa talaga dumadaan..pag yan naipit.. tignan na lang natin!”  ngumiti ang aking ina at sinabi “tamo, tumitigil siya kapag may dumadaan na sasakyan.” Natawa ako dahil sa matalas pa pala ang paningin ng aking ina kahit na parati na lang nya bitbit ang kanyang reading-sunglasses at syempre LOGIC yun noh!! Ako nga di ko naisip na tumitigil siya dahil pala sa may dumadaan na sasakyan..asuz! *toinks*


Pinanood ko pa rin ang ipis na walang takot na binabaybay ang daan kasabay ng mga nagsisiliparang jeep. At sa di inaasahang pangyayari o inaasahan ko na.. nasaksihan ko ang isang karumal dumal na pagkamatay ng isang ipis na maaaring katumbas ng track ang bigat para sa kanya. Bigla ko na lamang narinig ang mga tunog na bumuhay sa tutulog tulog kong gunita.


BOOM!


Pagkatapos ma hit and run ng walang kalaban laban na ipis ay nakita ko ang kanyang mga nagkalasug-lasog na katawan. Sabi ng aking ina “lakas non ha!”  di ko alam kung ako ay matatawa o malulungkot sa kanyang kapalaran. Ngunit mas nalungkot ako ng biglang


BOOM!


Muli.. “he goes to his never ending journey”--- akala ko ay sa baboy lamang ang gumagamit ng salitang ito ngunit maaari na din pala ito para sa ipis “double-dead”.
Sa kaawaawa nyang napala, naisip ko na lamang na “buti na lang talaga di xa nagsasalita, kasi kung nagsasalita xa sasagipin ko xa!”.

Currently listening to: kung ayaw mo na sa akin--sugarfree and I will survive!
Currently reading: inscribed under: animal thing!
Currently feeling: sympathetic
Posted by walongbote at 02:43 AM in bloGtrippin | 22 yumakap sa alak