April 30th, 2007
Trahedya sa daan
Babala: Ang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang di angkop sa mga batang kumakain pa ng lollipop. Patnubay ng magulang ay kailangan. Rated PG 18.

Marami sa atin ay takot sa nilalang na ito. Pag nakikita pa lamang sila ay nagsisitakbuhan na ang mga tao, nagtitilian, kumukuha ng tsinelas o kaya tinetepok gamit ang pamatay na insecticide o spray. Malas mo kapag ang katabi mo ay ikaw ang pinalo ng tsinelas sa muka dahil sa sobrang bugso ng kanyang damdamin. 
Ngunit naisip mo bang kung nagsasalita lang ang ipis ay sinabi nya na sayo na “wag ka naman ganyan! Ginawa rin naman ako ng diyos!” --- hala kung siya man ay binigyan nga ng pagkakataong magsalita, ay dun talaga ako matatakot.. mas nakakatakot kaya ang nagsasalitang ipis kesa sa lumilipad na ipis. 
Ang totoo nyan ay di naman talaga ako takot sa ipis lalo na kung gumagapang lang naman ito. Tumatakbo lang ako kapag ito ay nasimula ng “magfly-fly-fly” sa kadahilanang mayroon itong mga dalang mga sakit. Mas takot ako sa bulating itim, na kahit di pa lumalapit sakin ay tumitili na ako, lintik! lang ang hindi tamaan ng malalaki kong tsinelas na size 7. 
Pero, ayoko rin naman talaga din ng ipis. Pero hindi naman ito maiiwasan lalo pat kung umakyat ito mula sa mga imburnal, o lumusot sa mga butas ng bahay. Ang tanging solusyon na lamang ay puksain sila!!. Ngunit ang tanong ay naawa ka ba kahit minsan kapag pinapatay nyo sila? Sa palagay ko hindi. Ngunit kung nasaksihan nyo sana ang kaawaawang kapalaran ng isang ipis na nakita ko kaninang umaga, siguro hindi ka na magiging malupit ng sobra sa ipis. 
Patungo ako at ang aking ina sa aking duty sa Caloocan kaninang madaling araw (4:30am), ihahatid nya ako dahil sa hindi ko alam kung paano ang daan papuntang caloocan health department, kung saan magkakaroon kami ng orientation ng aking mga kasama, bago kami dalhin sa kanikaniyang barangay health center ng aming C.I(clinical instructor). Habang kami ay naghihintay ng masasakyan, ay napansin ko ang isang ipis na gumagapang sa daan. Sabi ko sa aking ina--- “mommy, tignan mo yung ipis.. angas eh, sa gitna pa talaga dumadaan..pag yan naipit.. tignan na lang natin!” ngumiti ang aking ina at sinabi “tamo, tumitigil siya kapag may dumadaan na sasakyan.” Natawa ako dahil sa matalas pa pala ang paningin ng aking ina kahit na parati na lang nya bitbit ang kanyang reading-sunglasses at syempre LOGIC yun noh!! Ako nga di ko naisip na tumitigil siya dahil pala sa may dumadaan na sasakyan..asuz! *toinks*
Pinanood ko pa rin ang ipis na walang takot na binabaybay ang daan kasabay ng mga nagsisiliparang jeep. At sa di inaasahang pangyayari o inaasahan ko na.. nasaksihan ko ang isang karumal dumal na pagkamatay ng isang ipis na maaaring katumbas ng track ang bigat para sa kanya. Bigla ko na lamang narinig ang mga tunog na bumuhay sa tutulog tulog kong gunita.
BOOM!
Pagkatapos ma hit and run ng walang kalaban laban na ipis ay nakita ko ang kanyang mga nagkalasug-lasog na katawan. Sabi ng aking ina “lakas non ha!” di ko alam kung ako ay matatawa o malulungkot sa kanyang kapalaran. Ngunit mas nalungkot ako ng biglang
BOOM!
Muli.. “he goes to his never ending journey”--- akala ko ay sa baboy lamang ang gumagamit ng salitang ito ngunit maaari na din pala ito para sa ipis “double-dead”.
Sa kaawaawa nyang napala, naisip ko na lamang na “buti na lang talaga di xa nagsasalita, kasi kung nagsasalita xa sasagipin ko xa!”. 
quoteshaven (guest)

irish (guest)

waaaaah ipis.
hehehehe.
iskoo (guest)

len (guest)

jamie (guest)

tagay naman dyan!
jules (guest)

ikay (guest)

ruth (guest)

pki sagot nmn poh ng tanong ko para poh to sa thesis q.
tnx
utakGAGO (guest)

tawa naman ako at sabay turo sa mga kasama ko. ayoko kasi sa ipis dahil nababakla ako.
yung isang beses naman, nasagasaan siya ng bus.
ano ba silbi ng ipis ha!!?!?
pero diba may scientific experiment na nagsasabi na yung e-coli bacterias at iba pa na nasa loob ng ipis ay pwedeng ma-convert sa kuryente?
......
rHo (guest)

kawawang ipis... bakit naman kasi ke aga-aga e nasa lansangan yang ipis na yan! ang lakas pa ng loob tumawid ng kalsada! yaaay
racky (guest)

tina (guest)

betty (guest)

Jhed (guest)

MeL (guest)

Katia (guest)

katia (guest)

ayos, ibang way din namatay yung ipis sa story mo. :)
take care always!
euri

len (guest)

JUSTIN (guest)

kakamiz ka naman, dami kasing photo shoots at modeling kaya naging busy,,
sorry if i havent send you any text messages coz my pone got stolen last month and now ive got my new number. pm me your contacts so i could reach you soon...
thanks!
Take care
KAMPAY!!!
KuyaAceNgBayan (guest)
shoo

Takot din ako sa lumilipad na ipis.
Matakot ka pag humingi siya ng saklolo. HEhe!