May 11th, 2008

Asan ang punto?

         Isang oras.. dalawang oras.. tatlong oras.. dalawang araw  pun*** o sige wag na lang! suko na ako. Di ko na talaga idodownload ang yahoo messenger. Kesehodang di ako makapagchat. Gusto ko lang naman ipagmalaki ang bagongbago kong Webcam. Eh ano ngayon kung hindi nila masilayan ang maganda kong pagmumuka. Haha. Eh kasi itong pinsan ko sa hongkong, gusto daw niya ako makita. Pero ang totoo nyan, ookrayin lang ako nun, dahil alam nyang medyo tumaba ako. Dala siguro ng mahabang bakasyon at wala akong ginawa kung hindi ang humilata sa bahay, kumain, matulog at hawakan ang remote ng TV. Di ko man lang naisip na medyo lumulobo na ako. Ano ba namang itong mga tao na toh. Nung sobrang payat ko na parang walis tingting na panay ang tukso nila sa akin na “konting hangin lang. tiyak matatangay ka.” At ang pinaka malala pa ay ang sabihin sayo “naka drugs ka ba?”. Akala ko yun na ang pinaka nakakainis na bati sakin, pero nung medyo nagkalaman ako ngayong bakasyon abay sabihin bang “buntis ka ba? Laki kasi ng tiyan mo!” waahh!.


        O sige, bahala kayo sa buhay niyo! Basta ang alam ko di na ako ganong umiinom. Tama ang narinig ninyo. Haha.. Eh pano pang tatawaging WALONGBOTE itong site kung di na ako umiinom? Haha. Sabihin na lang natin na nagiwan ng malaking marka at alaala ang blog na ito. Yun ay ang minsang pinatawa, pinaiyak, pinakati, pinasok, pinasuka, pinakilabot kayo ni WALONGBOTE. Maalala nyo pa sana ako. Muling nagbabalik ang blog na ito. Kasabay ng isa kong blog www.superjen.vze.com Maraming salamat sa paghihintay. Lalo pat marami na naman tayong beer na pagsasamahan. Isang tagay naman jan mga ka-bloggers!!! Ito ang punto.

Currently listening to: maalala mo sana-silent sanctuary
Currently feeling: thankful
Posted by walongbote at 09:15 PM in bloGtrippin | 10 yumakap sa alak
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



karmi (guest)

Comment posted on May 19th, 2008 at 03:48 PM
muling napadaan. :D
inuman na ba? hehehe

athrun (guest)

Comment posted on May 18th, 2008 at 12:17 AM
Ayos ang bagong profile natin ah. Bakit mo iniba? :D

Musta na? Di ka na nagte-text? :)

Napadaan lang. :)

nanaybelen (guest)

Comment posted on May 16th, 2008 at 09:04 PM
kaso, di ako umiinom. hello po

kengkay (guest)

Comment posted on May 16th, 2008 at 01:20 PM
ako mas gusto ko ang tequila at vodka -- pero hindi ko rin naramdaman na lumolobo ako nung asa pinas kami. o ngayon joging everyday dahil it's bikini time na :D

Misyel (guest)

Comment posted on May 16th, 2008 at 11:18 AM
Natawa naman ako dun sa hindi na umiinom ng beer, tuba na lang hahaha! Nice site! Hirap nga kasi magpapayat at hano ngayon kung tumaba kana? kesa naman payatot, dba?

eyna (guest)

Comment posted on May 16th, 2008 at 09:47 AM
ang ganda naman ng concept at pagkakagawa ng iyong blog! astig! dapat siguro matuto na din akong uminom ... di ko matagalan lasa ng beer eh, lasang ipis. sorry sa mga mahilig uminom! peace tayo!

kuya ko naman lakas mang-asar. laki daw ng "muscles" ko. hmmp!

chester (guest)

Comment posted on May 16th, 2008 at 07:27 AM
helllo. kaya mo yan. dl mo YM. may bago din akong webcam A4tech.

Hachi (guest)

Comment posted on May 16th, 2008 at 06:05 AM
hahaha! buntis ang wala. ako rin, tumataba na. meron akong payat na bestprend ko na dating mataba. Biglang payat 1 buwan lang ang nakalipas. inaasar akong sakin daw napunta mga taba niya. walangya. good luck satin. sana pumayat tayo. :)

ako sira yahoo messenger ko, kahit i reinstall ko ayaw parin mag open. kaya messenger.yahoo.com ako naglolog-in.

nga pala, isa ko ring blog yung link na linagay ko dyan. hehe. :)

karmi (guest)

Comment posted on May 16th, 2008 at 05:51 AM
welkam back sa walongbote. :) haha. mga pinsan ko din yan ang sinasabi sa akin. na ang taba ko daw.. sus! hehehe..

hirap kasing magpapayat eh. kamusta naman un?!
Comment posted on May 14th, 2008 at 11:37 PM
galing....sariling gawa mo pala to lahat? im impressed...