May 21st, 2008

Pagod. Pawis. Pera.

             Alas singko y’ medya ng umaga pa lamang ay muka ng haggardness ang pagmumuka ko, binalot ng buong pawis ang aking katawan mula bumbunan hanggang kasitsingitan ng aking –um. Di ko malaman kung nasaan lupalob ng cabinet ang mala manager kong formal attire. Dalawampung minuto ko ata hinanap ang damit na yun, at ng matagpuan ay agad-agad kong sinuot ito, ngunit halos hindi ko maisara ang pinakaharap na butones dahil sa malaking baby fats na humaharang. Di ko akalain na talagang tumataba na nga talaga ako, at ang dating 26 na baywang ay umabot na ng 29-30. Di pa rin masama, sexy pa rin naman ngunit mukang kailangan na talagang magbawas bago pa magmuka akong si—INCREDIBLE HULK. Nagpatulong na ako sa ulira kong ina na lagyan ng pardible ang di maisarang blouse. Pagkatapos mo hanapin ng ganung katagal, madidismaya ka lamang sa iyong masasaksihan.

 

           Dumating ako sa MRT Alas siyete y’medya ng umaga, halos bawat lane ay punong puno ng tao. Exagge na kung Exagge ngunit halos 10 train na ata ang dumaan ngunit di pa rin ako makasakay. Nakakapagtaka lamang halos di nauubos ang taong sumasakay sa tren. Halos lahat pa ng pasahero ay bumababa ng buendia o kung hindi man ay sa ayala. Alam naman nating lahat na ang makati ay sentro ng pangkalakalang negosyo sa loob man o labas ng Pilipinas, ngunit kung tutuusin hindi naman lahat ng taong nagtratrabaho sa makati ay sosyal. Ang iba sa kanila ay matatawag nating—MAPAGPANGGAP. Karamihan ay nakatambay sa STARBUCKS/COFFEE BEAN Masabi lang na sosyal ay halos lumamig na ang kape sa kanilang mesa ay ayaw pang laklakin ang mga natitirang patak ng kape sa tasa. Ang mga dating hindi mahilig magbasa ng dyaryo ay napipilitang basahin pati ang OBITUARY page. Hai. Pinoy nga talaga.

 

            Dahil di naman ako madalas sa makati ay nagtanong tanong ako kung saang lugar ang Metrobank Plaza, nasa ayala ako ng mapagtanto kong nasa gil puyat ave. pala malapit sa buendia ang lintek na building. Dahil sa kailangan ko rin ng exercise mula glorietta, twin tower, manila peninsula, insular life at kung ano ano pang building o hotel na aking dinaanan ay tinahag ko ang buendia mula ayala. Halos lumabas ang dila ko sa layo ng aking nilakad. Mabuti naman ay narating ko din ang lugar sa halos 45 minutes na paglalakad. Sinadya ko talagang maglakad dahil sa gusto ko rin mag lose ng weight. Pero di ko inakala na ganun pala kalayo ang nalakad ko. Nalaman ko na lamang ito ng magpaltos ang dalawa kong paa. Buong akala ko ay isang job offer working through internet ang pinunta ko dun, ayon sa kaklase ko. Ngunit sa di sinasadyang pagkakataon ay isa pala itong network marketing seminar. Kesa naman sa masayang ang oras at pagod na nilakad ko patungo dito ay nakinig na lamang ako. Malay mo maging katulad ko si—HENRY SY. Isang kilalang negosyante na mayari ng mga SM sa pinas. Nakakaencourage ang mga sinasabi ng mga tagapagsalita, ngunit marahil sa disappointment na aking napala ay nakikipalakpak na lamang ako kahit na di ko naiintindihan ang mga pinagsasabi nila.

 

           Pauwi na ako habang nakasakay sa bus ng may sumakay na isang lalake at tumabi sa akin. Halos masira ang kurba ng ilong ko sa sobrang anghit ng amoy ng lalake. Di ko alam kung nagfufunction pa ba ang small intestine ko dahil sa pagkakaalam ko ay nagkabuhol buhol na ito sa loob. Humingi ako ng galang at umalis sa tabi niya ng tumigil ang bus, sa pagkukunwaring malapit na ako bumaba at kailangan ko ng lumipat ng upuan malapit sa pinto ng bus. Sa wakas nakasinghot din ng sariwang aircon. Bumaba ako sa gateway at nagabang ng sasakyan pauwi sa amin, ngunit halos 30 minuto na ay di pa rin ako makasakay. Kaya nagtiis na lamang ako pumunta sa pinaka terminal o sakayang ng FX papunta sa amin, kesa makipagunahan sa mga tao sa kalsada. Halos Isat kalahating oras kaming nakatayo sa pilahan bago kami nakasakay, ngunit ng maiupo ang nanabik na puwet sa Fx ay bigla kaming pinababa dahil na—FLAT daw ang gulong. Muli 30 minuto kami naghintay bago nakasakay.

 

            Ng makauwi sa bahay ay halos pagod na pagod ang aking buong kaluluwa. Kasama ng bugbog kong paa. Ngunit isang aral lamang ang iniwan sa akin ng araw na iyon—DI MADALING KITAIN ANG PERA. KAILANGAN MO NG MATIBAY NA SIKMURA AT PAA.

Currently listening to: realize--colbie caillat
Currently reading: inscribed under- kwentong life
Currently feeling: stressed
Posted by walongbote at 02:41 AM in bloGtrippin | 20 yumakap sa alak
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



nanaybelen (guest)

Comment posted on June 2nd, 2008 at 03:18 PM
nakau parehas tayo, nong bago pa ang LRT, d ako sumasakay dahil walang bakante na upoan

lunes (guest)

Comment posted on May 29th, 2008 at 07:58 PM
pera ba kamo?? sus anhirap talaga nyan kitain.

hayz benta ko na lang nga puri ko.wehehe.

repah (guest)

Comment posted on May 28th, 2008 at 04:03 AM
aba.. juniper nandito k lng pla.. heehhe.. klako nandun k s superjen..

cnv mo pa ang hirap tlga kumita ng anda ngaun lalo na't lhat nagtataasan..hayys
Comment posted on May 27th, 2008 at 12:12 AM
At lease sa ginawa mong yan pwede ka na mag pa view sa cam sa pinsan mo sa hongkong hehe.

Lissie (guest)

Comment posted on May 26th, 2008 at 10:00 AM
Grabeh naaliw ako sa entry muh. Jusko, andami talaga tao sa MRT at madaming may B.O. sa bus or kung saan man yan. :D
Ilang kilometro nilakad mo? For sure 26 agad ang waistline mo. Hehee.

lalaine (guest)

Comment posted on May 24th, 2008 at 10:28 AM
ngak... kapagod naman ang araw na ito para sau!!! hay.... sana makita ka na ng hinahanap mong work =)

wei (guest)

Comment posted on May 24th, 2008 at 01:48 AM
wahahaha!! sariwang aircon? sa bus? pero sabagay, di naman amoy putok yung aircon eh..depende na nga lang kung katabi mo =)

Hachi (guest)

Comment posted on May 23rd, 2008 at 08:36 PM
yan din ang parating sinasabi ng nanay ko. ni singkong butas nga hindi ka makakapulot e.

mukang nakakangarag ang pag-aapply mo ng trabaho ah, lalo na't hindi mo pala masyadong kabisado ang pasikot sikot sa makati. good luck na lang sa susunod na job hunt mo. sana makakita ka na ng matinong trabaho. tyaga tyaga lang. diba nga sabi nila, no pain no gain. hehe

komski kuno (guest)

Comment posted on May 23rd, 2008 at 05:18 PM
parang minalas ka ata nung araw na yan. May tumwag din sa akin nun na job offering daw, grabe, nakuha daw yung number ko sa kaklase ko, tas nung ginoogle ko, networking pala, hindi na ako pumunta.

masaya (guest)

Comment posted on May 23rd, 2008 at 04:54 PM
maraming salamat sa pagdaan sa aking munting blog :D

hindi nga madaling kumita ng pera. naku nowadays kaylangan na talagang kumayod ng sobra. waah gusto ko na tuloy magkatrabaho haha

karmi (guest)

Comment posted on May 22nd, 2008 at 10:23 AM
kamusta naman kasi talaga ang MRT?! tapos ganong oras pa? hainaku...

naloka naman ako dun sa Incredible Hulk. hahaha.. naramdaman ko na rin yan. :| kelangan na talaga nating magpapayat!!!

sa susunod, magbaon ka ng tsinelas, para kapag naglakad ka ulit, di na masyadong masakit sa paa.. hehehe.

lyzius (guest)

Comment posted on May 22nd, 2008 at 04:38 AM
layo ng nilakad mo mare..pero me kapalit yan tingnan mo...na add na kita

lyzius (guest)

Comment posted on May 22nd, 2008 at 04:38 AM
layo ng nilakad mo mare..pero me kapalit yan tingnan mo...na add na kita

beero (guest)

Comment posted on May 21st, 2008 at 08:35 PM
oh eto dumaan na ko sa site mo. hehe.

tama ka marekoy. di nga madaling kumita ng pera. kelangan muna nating magpakahirap. pero ok lang kasi makakainom naman tayo ng beer tuwing payday. haha.

eyna (guest)

Comment posted on May 21st, 2008 at 12:29 PM
grabe no. nangyari na din sa kin yan...un bang sunod sunod na pangyayari at sinusubok ang pasensya. haay hirap talaga kumita, hirap maghanap ng trabaho, at pag may trabaho na, hirap hanapin ang trabaho na masaya at contented ka at ok ang pay. hay life.

Eloiski (guest)

Comment posted on May 21st, 2008 at 06:25 AM
hay. mahirap talagang kumita ng pera. kaya heto ako at ipon ng ipon para kung sakaling may gusto akong bilhin eh ako na lang bibili.

Pamatay ang ganyang mga katabi. Pero hindi ko naman magawang magalit sa kanila lalo pa't kung ang katabi mo'y mula sa trabaho na todo kayod. Wala na silang pake sa amoy nila ang mahalaga mabuhay ang kanilang pamilya. Kaya kahit na yaong katabi ko eh tulog na tulog na at lahat lahat eh okay lang. Mahirap kasi talaga ang buhay.

Hehehe!

Eloiski (guest)

Comment posted on May 21st, 2008 at 06:25 AM
hay. mahirap talagang kumita ng pera. kaya heto ako at ipon ng ipon para kung sakaling may gusto akong bilhin eh ako na lang bibili.

Pamatay ang ganyang mga katabi. Pero hindi ko naman magawang magalit sa kanila lalo pa't kung ang katabi mo'y mula sa trabaho na todo kayod. Wala na silang pake sa amoy nila ang mahalaga mabuhay ang kanilang pamilya. Kaya kahit na yaong katabi ko eh tulog na tulog na at lahat lahat eh okay lang. Mahirap kasi talaga ang buhay.

Hehehe!

kengkay (guest)

Comment posted on May 21st, 2008 at 06:06 AM
hay mahirap talaga maghanap ng pera. nung katatapos lang namin ng college at naghahanap ng trabaho; may baon kaming dala dala dahil di namin afford ang mcdo o jollibee at sa dating greenbelt kami nag pi-picnic :D good luck!

ifoundme (guest)

Comment posted on May 21st, 2008 at 05:58 AM
ay totoo yan... sobrang hirap talaga maghanap ng pera. pero mas okay na yang naghahanap ka kesa hindi. hindi mo talaga makikita ang pera kung hindi mo rin hahanapin. konting tiis na lang... mas maganda pa lalo kung USRN ka kung balak mong mag US. hehehe!
Comment posted on May 21st, 2008 at 04:57 AM
uy! thanks nga pala for dropping by my blog. kahit wala namang kwenta! hahaha... ;p anyways, pareho tayo tumataba. hehe.. wawa ka naman sa sinapit mo nang araw na ito.(nahahawa ako sa'yo! :D) go go go! cge. thanks ulit! ^_^;