June 16th, 2008

Higanti

        Hindi na ligtas na magpahayag ng damdamin. Bagamat bawat sandali ay pinipigilan ko ang aking sarili na sabihin  ang mga salitang ito. Maraming mga matang nakamasid, bawat letra ng isinusulat ko ay hindi nakakalampas sa mga matang mapanuri.

       Bawat araw na nagdaan napagnilaynilayan ko na may mga bagay sa mundo na mahirap talikuran, gayun din naman simulan ang isang makabagong pagkatao. Naalala ko pa noonng talikuran ko ang isang kahibangan na dulot ng nakalalasong pag-ibig. Bawat araw ay unti-unti kang pinapatay ng mga alaala na matagal mo ng nilunok upang sabihin na malakas ka.

       Gumising ka sa kinaroroonan kung saan matagal mong di nasilayan, na may mga tao palang nagmamahal sayo na higit pa sa inaakala mo. Dinama mo ang bawat ngiti na gumuguhit sa iyong labi maipakita lamang na hindi ka nagiisa. 

        Sa una ay tuwang tuwa ka na marami sa kanila ang nais alagaan ang iyong puso kayat bawat magalok ay binibigyan mo ng pagkakataon. Ngunit hindi mo maitatanggi sa iyong sarili na nababalot ka ng paghihiganti. Alam mo sa simula pa lamang ng laro ay wala sa mga ito ang nais mong makasama pang habang buhay. Masaya ka lamang sa pag-ibig na kanilang inaalok ngunit alam mong walang sinuman ang may puwang sa puso mo. 

         Ngunit habang tumatagal unti-unti ka ng nilalamon ng iyong kwento sapagkat naiinis ka na sa mga taong ito na pilit ipinagsisiksikan ang kanilang sarili. Wala kang paraan upang itigil na ang mga kahibangan na ito sapagkat ito ay iyong nasimulan na. Masama man ngunit bahala na. Sa mga pagkakataong ito alam kong ginusto ko ito upang maipakita sa kanya na hindi lamang siya ang may karapatang gawin ang lahat ng mga katiwalian na isinisigaw ng lipunan. 

        Magpaasa? Hindi bat ikaw ang nagturo nyan sa akin. Manlinlang? Hindi bat nagagalak ang iyong puso habang pinaiikot mo ako sa iyong kamay. Iwanan? Hindi bat sabi mo kung masakit ang pag-ibig dapat na itong kalimutan. Ngayon hayaan mo ang mga turo mo ay magsilbing aral at maipadama ang sakit sa mga kauri mo. 


Currently listening to: Always be my baby-David Cook
Currently reading: Inscribed Under: Tagalog Literature
Currently feeling: satisfied
Posted by walongbote at 04:04 AM in bloGtrippin | 16 yumakap sa alak
Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

Post comment as a guest

Your name:

Your email: (will not be posted publicly)

Your website:



Comment posted on March 19th, 2009 at 09:38 PM
Sa iyo ba to Marghil? Anywa, nice to be here

jHaYoLogY (guest)

Comment posted on August 31st, 2008 at 08:24 AM
Kasama ba ako jan? hehe! kaya pala... kaya pala. ^_^

eyna (guest)

Comment posted on August 27th, 2008 at 08:53 AM
naku wawa naman ang iba na madadamay. paano kung ung isa sa kanila ay malinis ang adhikain para sa iyo?
Comment posted on July 18th, 2008 at 03:28 AM
Hi, napadaan lang at nakiusyoso na sa mga bote ninyo. Tama pala ang sabi nila, mas malalim ang tilamsik ng diwa kung may kasama siyang 'sang bote ng tuba. Ipagpaumanhin po ninyo ang aking pagtambay dito pansamantala pero nagustuhan ko po ang iyong tahanan, at kung inyong mamarapatin ay makabalik muli at makipaninoman naman sa inyo. Huwag po kayong magalala may dala po akong isang platitong mani na pulutan. Salamat po uli.

lunes (guest)

Comment posted on July 1st, 2008 at 12:51 AM
musta na rito??bc ka?? hmm.

mhar (guest)

Comment posted on June 28th, 2008 at 11:34 AM
"ngunit habang tumatagal unti-unti ka ng nilalamon ng iyong kwento sapagkat naiinis ka na sa mga taong ito na pilit ipinagsisiksikan ang kanilang sarili" gusto ko ang linyang to. totoong totoo. angaling! apir!

lunes (guest)

Comment posted on June 27th, 2008 at 01:06 AM
naku naku. ito ay isang bitterness. ngunit tamang tama ang higantihan sa mga gantong pagkakataon.

mhar (guest)

Comment posted on June 24th, 2008 at 12:47 PM
wow! astig! to, patapak din ha. teka, emo ka ba?

Anonymous (guest)

Comment posted on June 24th, 2008 at 12:46 PM
wow! emo ang site na 'to. patapak po ha. hehe

rimewire (guest)

Comment posted on June 21st, 2008 at 11:03 PM
--

hakhak

super emyu tudamaksimum label

hakhak

power elyens mistik pors

XXXxx

wei (guest)

Comment posted on June 20th, 2008 at 09:11 AM
keep your cool ate...hehehe
may araw din sila ^^

geran (guest)

Comment posted on June 20th, 2008 at 05:36 AM
wow pareho fonts.. tiny fonts black nga lang ang akin..grabe..super tryulaloooo po yan..swear..nka-relate ako..

madbong (guest)

Comment posted on June 19th, 2008 at 04:03 AM
ang lalim mo magtagalog sista, purong tagalog ba kayo?

ifoundme (guest)

Comment posted on June 18th, 2008 at 12:26 AM
ang sakit nyan ah. i hope things will get better for you.

lalaine (guest)

Comment posted on June 17th, 2008 at 08:36 AM
ouch... sinu kaya ang nagturo sayo :-(

FerBert (guest)

Comment posted on June 16th, 2008 at 09:16 AM
di ko mabasa.. ang liit ng font.. pasensya na.. weee