April 16th, 2007
Lucky 16?
Hindi ko paborito ang numerong 16
, nagustuhan ko lamang ito dahil sa magaan sa pakiramdam sa tuwing naririnig o nakikita ko ito. Sa isang daang porsyento na nilalang sa mundo 45% ang favorite number ang 16. Makikita mo ito sa mga damit, badge, sapatos at kung saan saang mga ginagamit na bagay. Kilala din ito sa tawag na ‘SWEET 16’ kung saan ang isang babae ay umabot na ang edad sa numerong ito. Hindi ko alam, pero nung ako ay labing anim na taong gulang ay hindi naman ako matamis. Seryoso hindi ako matamis, hindi talaga ako sweet. Sa literal na tawag hindi talaga ako matamis, pero kung ito ay isang - - idiomatic expression o isang metaphore hindi pa rin ako sweet dahil hindi ako girlalush, o makikay o kaya naman ay hindi ako malambing. Kung malambing man ako, isa siguro akong brutal na sweet na tao dahil sa ‘pangaasar’ ang paraan ko ng pagiging sweet. Sa anumang kadahilanan kung bakit tinawag na ‘sweet’ ang 16, ito lang ang masasabi ko ayokong langgamin.
April 16, 2007 kahapon - -kuneksyon? Malaki ang kuneksyon ng numerong 16 sa nanyari kahapon.
Maaga ako gumising kahapon, alas-dos y’ medya pa lamang ng madaling araw ng kumain ako ng almusal at naligo ako. Kinakailangan kasing alas-kwatro ng umaga ako makarating sa eskwelahan ng dahil sa inaakala naming lahat na ‘adding ng subjects’ nung araw na iyon. Kung saan lahat ng kulang mong subjects ay pwede mong i-add ngayong summer, lalong lalo na sa isang transfer na tulad ko. Dahil sa na-media ang eskwelahan namin noon sa kadahilanang nagkaroon ng stampede nung adding, dahil sa mahaba ang pila, ayoko ng uling maulit iyon at makipagsabayan sa mga nagtutulakan at mga makakapal ang mukang harap harapang nakikipagsingitan sa pilahan. Alas-tres y’ medya na ako nakaalis ng bahay at dumating sa cubao ng alas-kwatro. Dahil nga alas-kwatro na, hinintay ko na lamang ang LRT magbukas ng alas-singko. Dumating ako sa eskwelahan ng alas singko y’ medya, at ako..ako.. ako.. lamang ang tao sa eskwelahan!!
Walang pila—wala.. wala talaga. Nahandun ang aming guard at tinanong ko kung may adding ba ng subjects at ang sabi nya ‘nagalit si DEAN nung sabado, kasi may nagkalat na adding daw nung araw na iyon. Kaya nagkagulo. Kaya walang adding ngayon’. Biglang naguho ang aking mundo dahil sa pagkatapos ng paggising ko ng maaga ay wala rin pala akong napala. Isa itong malaking NO-NO—hinde pwede toh!!! Hinintay ko dumating ang mga kaklase ko, ibinalita ko sa kanila na ‘walang adding daw’ kitang kita ko sa kanilang mga tenga ang usok ng isang torong nagpupumiglas sa sama ng loob.
Umuwi na lamang ako sa bahay ng sawi, ngunit dumaan muna sa SM upang bumili ng cake dahil birthday ng araw na iyon ng aking – tanging ina. Oo, birthday din nung araw na iyon ng aking ina! Kaya hindi ko alam kung magiging masaya ako o malulungkot. Birthday din nung araw na iyon ng aking kaibigan sa highschool, kaya pumunta ako nung hapon sa bahay nila. Kasama ng iba pang mga kaibigan. Hindi ako gaanong umiinom ng ‘SAN MIG LIGHT’ hindi siya kayang tanggapin ng sikmura ko. Sanay ang aking tiyan sa ‘REDHORSE’.. oo tama! Nasimulan ko kasing uminom sa mataas na kalibre ng klase ng alak, kaya hindi kaya ng aking lalamunan ang SAN MIG LIGHT. Pero dahil libre ang inuman sa bahay ng aking kaibigan, at ‘SAN MIG LIGHT’ lamang ang pwedeng tirahin, at dahil sa nais ko ding uminom wala akong nagawa kung hindi tunggain ang matalik na kalaban ng aking pagkatao. Pinapak ko ang manok kasabay ng paginom ng alak. Sa sobrang kabusugan, nagsimula ng magalab ang aking tiyan. Humarurot ako sa banyo at doon nilabas ang sama ng loob. Oo! –Sumuka ako!. Sa kasawiang palad hindi ko namalayan na kasama sa aking pagsuka ang aking ‘RETAINER” anak-ng-katipunan! nawala ako sa aking kamalayan at binuhusan ko pa ang inidoro. Kasabay ng paglubog ng manok, at ibat ibang pagkain at alak na sangkap ng aking suka ay lumubog din ang nagkakahalagang ‘P 3, 500’ na retainer, na pinalubog ko lamang sa inidoro. Paglabas ko ng kubeta, wala pa rin ako sa katinuan, tawa pa rin ako ng tawa at kwento ng kwento.. ng maramdaman kong ayos ang aking pagsasalita at walang maramdamang bakal sa aking bunganga. Nagpumiglas ako at sumigaw ng ‘PUTANGINA! Ang RETAINER koh’ nagurumintado ako at pinilit na isipin kung saan napunta ang retainer na nasa bunganga ko lamang at biglang nagdissapear. Dun lamang nagising ako sa kamalayan na ang retainer na hinahanap ko ay wala sa timba, wala sa upuan, wala sa aking lalamunan kung hindi nasa ‘POSONEGRO’ na. Hindi ako umiyak—nagaalala lamang ako sa sermon na maririnig ko sa aking ina pagdating sa bahay. Birthday pa naman nya!
Hilong-hilo
ako sa ‘SAN MIG LIGHT’ na tinira ko, at sumuka pang muli sa banyo, kasabay ng nangingilid na luha sa aking mata sa kasawiang inabot ng araw na iyon. Naalala ko tulog nung ako ay nag-debut, san mig light ang inorder ng aking ina. Sa pagaakala nyang kaya ng aking tiyan ang alak na iyon. Mabuti naman at nung araw na iyon ng tutunggain ko na ang SAN MIG LIGHT ay biglang inagaw sa aking mga kamay ang taong sumisimbolo sa aking buhay ng numerong ‘16’ siya kasi ang kadahilanan kung bakit natutunan kong mahalin na rin ang numerong iyon. Paborito nya kasi yung numerong iyon at halos maubos ang kanyang ballpen sa kakaguhit ng ibat ibang version ng number 16. May superman, may monotype corsiva at may arial. Ng umuwi ako sa bahay at pagkatapos tanggapin ang sermon na inabot ko sa aking ina at ng sigawan ako ng ‘LASENGGERA ka kasi!’. Pumasok na lamang ako sa silid tulugan, at dinama ang pagikot ng aking paningin. Malinaw ang aking katinuan.. hindi naman talaga ako lasing.. may tama lang.. hindi lang talaga ako sanay uminom ng san mig light. Sa aking pagtulog naisip ko na lamang at nasabing ‘kung andito lang ang sumisimbolo ng 16 sa buhay ko, hindi siguro nangyari yun. Pipigilan nya ako uminom at siya ang titira nung san mig light na yun, kaya nya kasing laklakin ang kahit ilang bote pa ng alak.Ngunit wala na.. wala na...
Pero kahit wala na.. tuloy pa rin ang inuman.. sa kahit anong paraan.. sa kahit ano pa mang dahilan..
